Chapter 8 : Failure means Death

6.7K 344 59
                                    

-----

‘What time is it? Come on, think.’ magkalapat na mariin ang mga ngipin ni West sa kabila ng patuloy na pagkakatuklap ng sariling laman. Nanginginig ang talukap ng nakapikit niyang mata. Kasabay ng panginginig ng bawat maliliit na himaymay ng katawan. Iniinda niya ang sakit. At pinananatili ang sarili niyang gising.

He cannot afford to lose consciousness just because of some pain. He has to wait. And to keep himself sane.

Naghahalo ang iba’t ibang nalulusaw na bagay sa dating bilog na hugis kung saan siya nakabitin. Tila walang katapusan ang butas na iyon sa sahig. Umaangat ang usok na mula sa iba’t ibang elementong iniluluto - asin, mapulang dugo, maitim na putik, lusaw na baga ng apoy, at ang maputing laman niyang nahuhulog doon.

Magkakrus ang paa ni Maximus sa pagkakaupo. Malamig ang ekspresyon nito sa pinanood na pagtalop sa kanya. Kung hindi nakakikilabot ang walang hugis at walang mukhang pwersang dumudukot, dumadaklot, at pumipilas sa balat at laman ng nakabiting Guardian, makapanindig-balahibo naman ang kalmanteng mukha ng Alchemist. Walang kaawaan sa mata nito. Walang panginginig o pagdududa ang mga labi sa ginagawa. At normal ang paghinga. Ang paminsan-minsang pagbuntong-hininga nito ay kapag nauulinig ang pagbulong ng nakabitin sa pagpapaalala sa sarili ng oras.

If West can take more pain, that means the Alchemist can take more flesh. And that is favorable to the enemy.

Pumikit ang lalaki para bisitahin naman si Helena sa kadiliman.

Nagmulat si West nang maramdaman ang pag-alis ng presensiya ni Maximus sa silid. Malabo ang mata na hinagod niya ng tingin ang nakaupong pigura.

‘White flesh. But not ghastly.’ naisip niya habang tinitingnan ang maputing noo nito, ‘Pores appears to be smooth. Nothing like the rubberized skin of borrowed bodies from logs or puppets. Flesh, heated. Blood, warm.’ dumako ang mata niya sa kamay nitong magkasalikop, ‘No traces of any injury or cuts.’ lumunok siya at pinaglapat uling mabuti ang mga ngipin, ‘He’s been... resurrected... by... a forbidden power.’

Suminghap siya ng hininga nang baklasin ang laman niya sa tagiliran. Mukhang ang balak lang itira sa kanya ni Max ay ang mga buto niya. Pero hindi siya sigurado kung wala itong balak maging sa parteng iyon ng katawan niya.

Itinuon naman niya ang paningin sa malapot at kumukulong paghahalo ng mga elemento sa paanan.

Matipid siyang ngumiti. ‘If he can’t just drop me into that boiling mixture, that means the other parts of my body is considered a contamination of the ritual he is doing.’


Nanginginig man ang mata ay tinitigan niyang mabuti ang nilalaman ng kumukulong likido. Pagkatapos, pinilit niyang amuyin iyon.

‘Sulfur. Sodium. Au. Silicon. Titanium. Iron.’ napaubo siya at nagpatuloy sa pag-amoy, ‘Carbon, hydrogen, nitrogen, calcium, phosphorus.’ hiningal siya, ‘Chlorine, magnesium, potassium.’

Mahigpit niyang nakuyom ang kamao. Asin, lupa, tubig, laman ng tao, buto ng tao, ginto, bakal, lupa, at apoy ang pinaghahalo sa may buhay na butas sa sahig. At naamoy niya ang isang bagay na kilalang-kilala niya. Dugo. Hindi lang sa kanya. Kundi kay Helena! Pinaghahalo ni Max ang dugo nilang dalawa ng babae! At hindi lang kapangyarihan nito bilang Alchemist ang ginagamit nito sa ritwal - maging ang kapangyarihan niya bilang isang Guardian at ang kapangyarihan ni Helena bilang isang Drifter.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now