Chapter 4 : Ang tatlong Protacio

7.6K 395 51
                                    

-----

“Our ancestor, Protacio Banaag, is the reason for the family’s wealth. Ayon sa kwento, ang mga Banaag ay isang mahirap na pamilya. Our roots came from the planes of Bulacan and mountains of Laguna. Maging nang dumating ang mga Kastila, nanatili ang mahirap na estado ng pamumuhay ng mga ninuno namin.” bumuntong-hininga si Juanito sa pagkukuwento, “All of that changed because of Lolo Tasyo. When he was young, he was said to have the ability to talk to fairies. Nakakausap daw nito maging ang diwata ng bundok ng Laguna na si Mariang Makiling. No one believed him at first. Hanggang sa makapag-uwi siya ng tipak ng ginto na hugis bawang at luya. The family kept the secret. Only one, who is not family, knew about that story. Lolo Tasyo told it to one of his playmates, Pepe.”

Matamang nakikinig sina Helena at West sa nagsasalitang lalaki. Apat sila sa loob ng study room sa mansyon ng mga Banaag - siya, si West, si Juanito at ang maybahay nitong si Estela. Sinasamantala nila ang maikling panahong mayroon bago dumating ang tinawagang si Ninong Ben.

“Unti-unti, nagkaroon ng gaan ng pamumuhay ang pamilya namin. And when he turned thirty, he made a contract with one of the Invisibles. Ayon sa alamat ay sumama si Lolo Tasyo sa mga Invisible kapalit ng kaalaman sa pagmimina ng ginto. We mine golds for years... hanggang sa maglimita ang pamahalaan sa pagmimina. But before that law for gold mining came, before some powerful people took interest in our gold, our family already amassed unbelievable wealth. And here we are...” dugtong pa ng lalaki, “We look up to Lolo Tasyo a lot. But...”

“But you wanted him killed. Why?” diretsong tanong ni West.

“Because of our missing daughter, Corrinne!” malakas na sabi ng ginang na napaiyak.

Ang tinutukoy nito ay ang nawawalang anak na babae na hinanap agad nito nang pumasok sila sa malaking tahanan. Sa hinuha nila ay isinama ito ng tumakas na Invisible at Resurrected.

Hinagod ni Juanito ang likod ng maybahay. Nang mahamig ng babae ang sarili, ibinaba ng ginoo sa centertable na nakapagitan sa kanila ang isang lumang papel.

“This is a prophecy from Anita Dela Cruz. Way before we consulted with Amanda, we received a prophecy from her mother.” sabi ng matandang lalaki.

Kinuha ni Helena ang papel at sabay nilang tiningnan ni West ang nilalaman noon. It reads:

“Sa pagbalik ng engkantado mula sa mundong nakatago, ibububo ang murang dugo ng ikaapat na binhi ng mga pangitain. Maliban kung ihaharang ang lantay na dugo ng Tagalayag at lantay na laman ng Tagapagbantay bilang kaligtasan.”

Nangunot ang noo ni West. Saka sila nagkatinginan. Sigurado si Helena na siya ang Tagalayag na tinutukoy sa propesiya. Si West ang tinutukoy na Tagapagbantay. Ang engkantado ay si Protacio Banaag na magbabalik mula sa mundo ng mga Hindi-Nakikita. Kung ganun ang tinutukoy bang ikaapat na binhi ng mga pangitain ay ang anak ng mag-asawa na si Corrinne?

“What does this mean?” tanong ni West kay Juanito.

Ibinaba ng lalaki sa centertable ang larawan ng isang batang babaeng nasa pagitan ng dalawa hanggang tatlong taong gulang. Singkit ang mata nito. Nakangiti. Maikling-maikli ang pantay-taingang gupit ng buhok at natatakluban ng bangs ang kilay.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat