Chapter 2 : The Case

9.6K 425 62
                                    

-----

‘I just wanted to live and know my place. Everyone knows about you! How about me, Helena? What about me?! What am I?!’

 

‘Who am I?!’

 

Nakikita ni Helena ang sariling katawan na kinakain ng apoy mula sa bato ng bulalakaw. Nangulubot sa dila ng apoy ang balat niya habang marahas na nagbukasan ang maliliit na butas nito. Sa patuloy na panginginain ng alab ay nangingitim, nagtutulo at nalulusaw ang mga parte ng katawan niya. Nakatitig sa hindi-nakikita niyang pigura sa hangin ang sariling mga mata. Pero hindi siya ang naroon kundi ang espirito ng kakambal na si Alena.

 

Kasabay ng hangin ay lumipad si Helena at niyakap si Alena.

 

You’re my twin! I will die with you this time.

 

Nalaglag sila sa nakangangang buka ng lupa. Tuloy-tuloy sa madilim na kailaliman habang kinakain ng apoy ang lupang-katawan niya. Pero bago sila tuluyang balutin ng dilim, nakarinig siya ng tinig.

 

“You... cannot die, too.”

 

Tinig ng isang lalaki. Malagom. Malalim. Mabagal ang bigkas sa bawat salita. At parang pamilyar. Pero sino sa kanila ni Alena ang tinatawag nito? Sino ito?

Dahan-dahang iminulat ni Helena ang matang mabigat na nakasara. Nakahilig ang kalamigan niya sa isang mainit na katawan. Nakabalabal sa kanya ang isang abuhing kumot. Pamilyar ang init ng katawan. Pamilyar ang amoy.

‘Don’t move. Don’t wake up, yet.’ si West iyon. Kinakausap siya sa isip.

Humigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa kanang balikat niya. Lalo siyang idinikit sa katawan nito. Pinabayaan niyang maglapat muli ang talukap ng mata. Nanlalambot ang bawat himaymay ng laman niya. Wala siyang malasahan sa sariling bibig. Nauuhaw siya.

‘Where are we?’ usisa niya. Nararamdaman ang marahang paggalaw ng kinauupuan.

‘In the backseat of the car. Grampa Leo’s driving.’

‘Grandma Alice is with us, too... right?’

‘Yes.’

‘Am I... really... alive? West?’

Patlang.

‘I hope so. Rest a bit. We will know when we get home.’

*****

“Do you need assistance?” tanong ni Gian kay West.

Walang interes na sinulyapan ni West ang nagtanong. Buhat-buhat niya ang tulog na si Helena habang nakatingin sa kanya ang mga matatandang kasama - si Grandma Alice, Grampa Leo, at Ninong Ben. Nakatayo siya sa harap ng ikalawang Drift Room sa mansyon kung saan niya susuriin ang babae.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now