Chapter 9 : Countermeasures

7.2K 364 30
                                    

-----

Tahimik ang mansyon ng mga Heinrich. Sa bulwagan sa East wing ng kabahayan ay bitak-bitak at bahagya pang umuusok ang sahig. Bakas din ang iba’t ibang hugis at laki ng paa at kamay sa alikabok at putik na naiwan. Ang dingding ay may mga kalmot at pinagbaunan ng kamao.

Bukas ang pinto ng ikalawang Drift Room.

“What’s that fiery of a light that’s surrounding them?” tanong ni Grandpa Leo kay Gian.

Tumingala sa nakatayong matanda ang tinanong. Nakasalampak si Gian sa tagiliran ng silid habang puno ng mga pasa at sugat ang katawan nito. Nakabagsak sa sahig ang dalawang kamay na nalusaw ang laman. Napasulyap si Leo kay Alice na katabi lang niya. Hinihintay nila ang sagot ng lalaki.

“I don’t know, Lolo. When I entered the room, pagkatapos mawala ang mga malignong bantay ng kwintas ni Helena, nagliwanag ang trianggulo. From that light, parang iniluwa sina West at Helena mula sa kung saan. May malay pa sila parehas bago mawala ang liwanag. Pero nang mapikit na sila...” umiling siya, “- pumalibot ang liwanag na yan.” nahihirapang kwento ni Gian sa matanda.

Napatango-tango si Leo. Lumapit siya sa trianggulo at sinubukang abutin ang apong si West pero nakaharang ang mapulang liwanag. Parang kalasag iyon na nakabalot sa dalawang magkatabing nakahiga sa sahig. At napakainit ng singaw niyon. Nakatutunaw at nakasusugat na init.

“It’s like a shield to protect them. And I think I know why, Leo.” sabi ni Alice. Nakatutok ang mata nito kay West. “Your grandson looks like the dead.”

Napabuga siya ng hangin sa sinabi ng babae. Saka niya itinuon ang mata sa apo.

“It’s alright. The light keeps them alive. He is coming. We just have to wait a little.” sabi niya kay Alice.

Umikot ang mata ng matandang babae. “I will kick that man’s face if he shows up late, again.”

*****

Sa ikatlong Drift Room ay nakahanay ang apat na higaan. Nakahiga sina West, Helena, Gian at Ninong Ben. Sa paanan naman ay nangakaupo sina Alice at Leo kaharap ang bisitang dumating.

“Hindi mo ako kailangang sipain sa mukha. Dalawang minuto lang akong nahuli, Alicia.” angal ng matandang lalaking nagpapahid ng dugo mula sa ilong, “Sabihan mo nga itong Drifter mo, Leo. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging bayolente.”

Si Giovanni Salvador ang nagsalita - maputing lalaki, matangkad, mahahaba ang kamay at bakas ang dating kakisigan. Isa ring kaanib ang lalaki sa sekretong samahan ng Guardianes del Mundo. Kung si Lionel Heinrich ay isang Guardian at si Alicia Sangre ay isang Drifter at Exorcist, si Gio na isa ring Guardian ay may isa pang kakayahan. Kabilang sa tinatawag na hybrids, ang isa pang kapangyarihan na mayroon ito ay panggagamot.

“Lagi kang huli! Kahit na saan ka manggaling ay lagi kang nagpapahintay. Sa susunod ay kakalbuhin na kita e.” mainit na sabi ni Alicia na ikinangiti lang ng Healer.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now