Chapter 5 : Purebloods

8K 358 40
                                    

-----

Walang imikan na lumabas mula sa silid sina Helena at West. Dumiretso sila sa living room kung saan nakaupo ang mag-asawang Estela at Juanito. Kausap ng mga ito si Gian.

Agad nalipat kay Helena ang atensyon ng mag-asawa nang makita silang palapit. Narinig ni West ang dobleng tibok ng puso ng babaeng kalapit. He can hear the noise in her thoughts - her doubts and confusion with what to do. Alam nila pareho na magtatanong ang mag-asawa sa resulta ng paglalayag sa ibang dimensyon. At hindi alam ng babae kung paano magsisinungaling at pagtatakpan ang sarili.

‘Keep your cool, Drifter. No need to be so nervous.’ sabi ni West bagamat hindi niya sinusulyapan ang katabi, ‘Be extra careful because there is that nosy Gian watching your every move.’

Matiim ang titig ni Gian sa kanila - lalo na kay Helena. Blangko ang isip nito. Sinadyang bakuran ang sarili mula sa abilidad niyang basahin iyon. Still, even if he stood guard against him, West could just let himself in if he wanted to.

‘You’re the one making me more nervous.’ naiinis na sagot ng Drifter niya.

Tipid siyang ngumiti. Isang ngiti na sinisiguro niyang si Helena lang ang makakapansin.

She almost hissed at him upon noticing the smile. He knows it calm her down a little. Habang siya naman ay pinipigilan ang sariling magtiim ng ngipin.

“How is it? Did you find her?” namumutla sa pag-aalala si Estela. Napatayo pa ito nang magtanong. Papalit-palit ang mata nito sa kanya at kay Helena.

“She’s not in the planes we visited. And Helena needs to rest before we can visit other planes.” kalmadong salo niya. Bahagya pa siyang ngumiti sa nagtanong.

Nakipagtitigan ang ginang sa hindi makapagsalitang si Helena. May pagtatanong sa mga mata nito.

‘Say something, will you?’ untag niya sa natitigilang babae, ‘Or she will worry more because of your silence.’

Napalunok si Helena bago nagsabi, “We will find Corrinne, Mrs. Estela. I promise you that. So, please calm down.”

Maging sa kalmadong itsura ay nararamdaman ni West ang pinipigil na hininga ng babae. Nararamdaman niya sa sariling katawan ang panlalamig at kaunting panginginig nito. She must be so bothered knowing that she cannot drift.

Nag-aalala rin siya. Pero sigurado siya na ang kasamang babae ngayon ay ang Drifter niya. She’s not a Mimic or some other predators or monsters. Bagaman hindi maiaalis ang katotohanang kataka-taka at kwestyunable ang muling pagkabuhay nito.

Bumakas ang namumuong luha ni Estela nang tumango. Inakbayan naman ito ng katabing si Juanito na parang inaalo.

“To help with finding her, we want to visit Corrinne’s room, Sir. We need to check on something.” sabi ni West sa may-edad na lalaki. Sa gilid ng paningin niya ay nakikita niya ang seryosong pagsunod ni Gian sa bawat galaw nila ni Helena. Bumaling siya rito, “You can come with us, too. I know you find Corrinne interesting.”

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon