Chapter 10 : Miscalculations

7.4K 323 27
                                    

-----

Maximus trace the crack on the black wall - a remnant of the escape of the Guardian and the Drifter he held captive. Binilog niya sa daliri ang dugong naiwan pa roon bago dinilaan.

Kay West. Bumuntong-hininga siya. May pintig pa ng buhay at enerhiya ang dugong naroon. Mukhang hindi pa mamamatay ang binata kahit na tinarakan na ito ng kahoy ng kastigo sa puso. But then it would take some time for him to recover - if he would recover at all. Ang kahoy na walang-muwang na kinuha ni Genesis at ginamit sa lalaki ay may lason. Hindi man ito mamatay sa ngayon, walang nakasisigurong mananatili itong buhay sa mga susunod na araw.

Gamit ang daliri ay binaybay niya uli ang bitak sa dingding. Sarado na ang pintong nilabasan ng mga ito.

Humarap siya sa kadiliman kung saan nagbibihis ng itim na kasuotan si Genesis. Nakatago sa anino ng dilim ang mga Isinumpang namamahay roon. Nananahimik ang mga ito. Iniibsan ang hindi natugunang paglalaway.

“You let them get away.” sabi ng isang tinig mula sa dilim.

Pamilyar iyon. Iyon ang tinig na tumawag sa espirito niya mula sa kadiliman. Ang tinig na nagbigay ng panibagong buhay at katawan sa kanya.

“My queen...”

“I told you not to make any rooms for mistakes.”

Tumungo siya bagamat hindi nakikita kung nasaan ang pinanggagalingan ng tinig.

“Pardon me. It was... it took me by surprised. I was sure she didn’t know how to drift.” tukoy niya kay Helena. Alam niyang baguhan ito sa katawang kinamulatan. At hindi pa nito natutuklasan ang kakayahang lumagos sa mga dimensyon gamit ang buong katawan.

“She drifted from here. At tinangay niya maging ang Guardian niya. Sa ngayon, nagawa niya iyon gamit ang Dowser. But the next time... she won’t need anything.”

Hindi umimik si Max.

Sarado at blangko ang silid kung saan niya ginawa ang ritwal. Pero gaya ng sinabi ni West ay may lagusan doon na ginagamit niya para mapuntahan ng isipan si Helena. Walang anumang espiritwal na daluyan sa Dark Room. Pero sa paghahalo ng laman at dugo ng dalawang bihag niya, nagkaroon uli ng koneksyon ang mga ito para makapag-usap at magamit ang kani-kanilang kapangyarihan. Hindi niya inasahan na magagawang makatakas ng mga ito gamit lamang ang halos tatlong segundong pagitan ng katuparan ng ritwal. Tatlong segundong nakalaan na dapat sa kamatayan ng dalawa.

“If she wakes up before you get the Clairvoyant, I am sure she will go after you. And your creation.” tukoy ng tinig kay Genesis na nakabihis na at walang emosyong nakatayo sa tagiliran ng silid. “You’ve got a nice puppet. Make good use of it.”

Itinungo niyang muli ang ulo.

“Do you know your way to the Invisibles?” tanong pang muli ng tinig.

Ibinaling niya ang tingin sa batang babae sa dilim. Ngumisi ito.

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon