K 7.

29.7K 860 27
                                    


Elise:

"Bakit mo ginawa yon?" Inis na tanong ko. Nasa harapan na kami ng hacienda ni Lolo.

Eto nanaman ako at nangungulit. Sinabi ko na nga sa sarili ko kanina na manahimik nalang tsk Elise bakit ba ubod ka ng kulit? Sarap mo kurutin sa singit!

"Sinabi ko na sayo may asawa ka na Elise. Gusto mo bang malaman pa to ng lolo?" Iritang sabi nito habang isa isang ibinaba ang mga maleta namin. Si lolo nama'y kabababa palang ng sasakyan kaya't umayos kami.

"Don Clemente! Señorito't Señorita narito po pala kayo. Hindi ko alam na ngayon ang dating niyo." Bumungad samin ang isang matandang lalaki.

"Ramon kamusta?" Pakikipag kamayan ni lolo.

"Ayos na ayos Don Clemente. Maayos parin ang pamamalakad ngayon sa hacienda at sa lupain ng mga Sullivan." Masayang sabi ng matanda.

"Elise hija hindi mo ba naaalala ang lolo Ramon mo? Siya ang nag alaga sa Daddy mo noong maliit pa to." Sabi ni lolo.

Napakunot ang noo ko. Parang pamilyar nga si lolo Ramon dahil naalala kong lagi itong kasama ni Daddy noon kapag pupunta sila ng pabrika. May sarili kasing pabrika ang mga Sullivan dito sa San. Rafaela. Hindi lang dito nag tatapos yun dahil kami din ang nag mamay-ari ng buong anihan ng mga hinog na mangga at palayan dito.

"Nako hija 6 years old ka palang ata ng makita mo itong lolo Ramon mo." Pukaw sakin ng lolo.

"Ah hehe mano po lo Ramon." Sabi ko. Nag mano din si Nate dito.

"Nako Señorita at Señorito kaawaan kayo ng Diyos ama." Sabi ng lolo. Napatawa naman ng mahina si lolo Clemente.

"Ang laki narin pala ng Señorito." Manghang manghang sabi ng lolo Ramon.

"E kamusta ba ang buhay may asawa hijo?" Tanong ng lolo Ramon.

Napanganga kami ni Nate dahil eto nanaman sila sa pangungulit ng biglang may lumabas sa loob ng hacienda.

"Ramon hindi mo sinabi narito pala ang Don pati sina Señorito at Señorita." Lumabas ang matandang babae.

"Esperanza ikaw na ba yan?" Manghang saad ng lolo ko na nakatitig sa nagnga-ngalang Esperanza.

"Ay ako nga ito Don Clemente." Yumuko ang matanda na bakas ang pamumula ng dalawang pisnge.

"Esperanza mag handa ka ng hapunan." Utos ni lo Ramon.

Iba ang pag titigan ng lolo ko at ni lola Esperanza.

Pag alis ng matanda'y muling nagsalita ang lolo.

"Ang tagal niyo na palang kasal Ramon." Nakangiting sabi ng lolo.

"Tama kayo Don Clemente. Matagal na nga pero hindi man lang kami nabiyayaan ng anak." Sabi naman ni lo Ramon.

"Tara sa loob at mahamog na." Alok ni lola Esperanza na lumabas ulit ng hacienda.

...

Naunang pumasok sa loob ang lolo at si lo Ramon.

Pagsunod namin ni Nate ay bumungad agad sakin ang antique na napakalaking larawan ni lola Elise. Oo ang pangalan ko ay kinuha saking lola na hindi ko naman nasilayang buhay. Namatay kasi ito ng ipanganak si mommy. Nakaukit pa rito ang buong pangalan ng lola. Elise Antonette Lavidad-Sullivan.

Nandun din ang napakalaking painting ng ikasal si mommy at daddy. How come, I really miss him so much. Si dad sana masaya na siya sa bago niyang pamilya. Yes, mom and dad are already seperated.

Isang magaling na doctor ang daddy. Tulad ko hindi naman talaga ikinasal ng legal sina mpommy at daddy dahil isang arrangement lang yon.

Hindi legal sa pananaw ko yun bang may love na tinatawag nila. Legal man sa papel but not legally for both of them.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon