K 42.

15.8K 535 64
                                    


Elise:

Dalawang araw ang nag daan. Nag e-empake kami ni Sharlene ng mga damit dahil sa mabilisang pag uwi ng Manila.

"Bakit ba agad agaran?" Panimulang tanong ni Sharlene.

"Ewan ko. Gusto ng lolo na makabalik agad kami ng Manila dahil may importante siyang sasabihin." Pagkabitaw ng mga salitang yon ay napaisip ako. Ano naman kayang dahilan?

...

Kibit balikat na lamang ako. Paglabas ng silid ay nakita namin ang mga barkada ni Nate.

Si Cloud na nakasimangot habang nakaupo sa sofa.

Si Rex nama'y todo pa cute sa anak ng Mayor, kay Lorin.

Habang si Steven ay nasa bungad ng pinto at nakasandal. Nag aantay na lang na bumaba kami.

"Asan si Nate?" Tanong ko.

Ngumuso si Cloud sa may bandang kusina. Nakita ko si Nate na nagpapaalam na kay Tito.

...

"Maraming salamat sa pagdalo niyo." Masayang bungad ng Mayor habang nasa labas na kami ng rancho. Tirik parin ang araw dahil tag-init ngunit binabawi naman ng simoy ng hangin ang sobrang init ng panahon.

"Thank you for welcoming us Mr Elizaldo." Masayang paalam ng asawa ko. Isa isa naman kaming kinamayan ng Mayor.

"Ipapahatid ko na kayo kay Paco sa airport." Ani ng Mayor.

"Papa gusto ko sanang sumama sa paghatid sa kanila." Ani ni Lorin.

"Hija hindi pa tapos ang pista. Asikasuhin mo muna ang mga bisita." Nalungkot sa sagot ng Mayor.

....

Hapon ng makarating kami ng mansion ng lolo. Nauna ng magpaalam sila Cloud at Rex habang si Steven ay may pupuntahan pa. Si Sharlene nama'y kasama namin ni Nate dahil sa ayaw pa nitong umuwi.

"Nate hijo mabuti't nakauwi na kayo. Inaantay ka na ng Don sa opisina." Sabi ni Aling Melba ang katiwala ng mansion.

"Elise." Nakita ko ang mommy. Masaya siyang sumalubong sa'min.

"Mom." I hugged her. I missed her so much. Matagal tagal rin itong naging busy sa business kaya't hindi nakakapag kita.

"Sige na Nate hijo puntahan mo na ang papa." Ani nito.

Iniwan namin ang mga bagahe at isa isang inakyat ng mga katulong. Umalis naman si Nate at nag tungo sa opisina ng lolo.

"Dito na muna kayong mag asawa." Masayang sabi ng mommy.

"Bakit mom? Ano bang mayron at agad agad kaming pinauwi ng lolo?" Takang tanong ko. Biglang tumikhim naman si Sharlene.

Oo nga pala. Kasama ko ang kaibigan ko.

"Oh Sharlene!" Ngayon lang ito napansin ng mommy.

"Hi tita!" Nag beso beso ang dalawa.

"You look great! How are you?" Matagal tagal rin kasing hindi nakita ng mommy si Shar.

"I'm okay tita. And you look gorgeous as always tita! Parang hindi po kayo tuma-tanda." Pambobola pa nito. Well my mom really looks gorgeous.

"Hmm ikaw ah bolera parin." Natatawang sabi ng mommy.

"No tita totoo kaya yon." Banat pa nito. Napailing nalang ako at napangiti. Ang dalawang to talaga kapag nagsama akala mo ay nasa ibang planeta! May sariling mundo ika nga.

"Oh well maghahanda na ako ng makakain. Alam ko gutom na kayo." Sabi ng mommy.

"Thank you tita! I'm so hungry na nga po eh si Elise kasi ang kuripot ayaw ako ilibre. " Nakangusong sabi nito.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon