K 30.

20.2K 644 90
                                    


"Oh natahimik ka?" Inosenteng tanong sakin ng mabunganga kong kaibigan. Tinalo na nga niya ang broad caster dahil sa daldal ng bunganga. Oo hindi bibig dahil bunganga.

"Ehem." Napatikhim si Nate kaya napatingin ako sakanya. May kakaibang ngisi na ngayon ang gumuhit sa mga labi niya.

Napatingin ako kay Sharlene na may mga tingin ngayon na 'Sorry best nadulas ako.' Kabisado ko ang mga titig na yon ni Shar. Bwiset talagang babaeng to. Kung hindi ko lang talaga kaibigan to eh baka nasakal ko na to sa mga oras na to.

"Uy my pool party mamaya ah." Pagbabago bigla nito ng topic. Wow Sharlene, bravo talaga woah! Ang galing mag lihis ng pinag uusapan.

"We already know that." Inis na sabi ko sakanya.

"Hindi, bumaba kasi ako eh nakausap ko yung waitress sa baba yung nag titimpla ng mga beverages. Pool Party mamaya kasi bukas na ang kasal ni Rex diba remember duh dun mismo sa impaktang si Maricar the bitch." Ayan nanaman. Wala talagang preno ang bunganga.

"So required na pumunta lahat ng invited?" Tanong ko.

"Tumpak ka best!" Masayang sabi niya. Kala mo talaga walang problema eh sarap lang talagang kutusan ng babaeng to paminsan minsan!

"I'm not going." Sabi ko. Alam kong maiirita lang ako dahil nandun ang bruha. That Maricar Delgado.

"Sayang naman may buffet ulit eh." Malungkot na sabi ni Shar.

"Sayang unli rice pa naman!" Ang taas ng energy ni Sharlene ngayon. Kala mo talaga naka hits muna bago makipagusap eh.

Magsasalita pa sana ako ng may malakas na hangin na nagmumula sa pwet ni Shar.

"Stop farting! Eww Sharlene." Inis na sabi ko. Napatakip naman ng ilong si Nate.

"Sorry can I use your bathroom? Please lalabas na eh!" Nagmamadali niyang sabi. Sasagot palang ako ay nagtatatakbo na to sa banyo.

"Let's talk later. Manganganak na ako!" Hay nako Sharlene. Minsan talaga pagkakamalan ng military. Dali dali siyang pumasok at dinig pa namin ni Nate ang tawag ng kalikasan ni Sharlene.

Hindi namin mapigil na matawa. Nag alburoto na ang tiyan niya dahil sa takaw lumamon. Oo hindi na kain dahil lamon na ang ginawa ni Sharlene.

...

Matapos ang lahat ay dumating ang chef ng hotel. Personal na inihatid ang masarap na pagkaing pina request talaga ni Nate. Kumalam ang tiyan ko sa gutom gusto kong kumain ng marami.

"Ang dami niyan ah. Pwedeng makikain?" Sabi ng best friend ko ng makalabas ng banyo.

"Mag alcohol ka muna." Sabay hagis ko sakanya ng alcohol.

"Ay grabe te baka gusto mo narin akong pagamitin ng sanitizer?" Pagbibiro pa niya.
Inaayos ko na ang pagkain habang si Nate ay nasa office room nakadikit lang dito sa presidential suite.

"Oh asan si fafa Nate?" Tanong nito.

"May pinapipirmahan nanaman kasing documents ang president eh." Sagot ko.

"You mean si Hans Monterey right?" Tanong nito.

"No, si Debi Monterey na ang new president." Sabi ko.

"Who's Debi?"

"Ate ni Hans." Napatango tango lang to at pumwesto na ng upo.

"Kakain na ako ah nagugutom nako tsaka wala namang nag hahatid sakin ng pagkain eh. Walang nag ke-care sakin. Alam mo yung nakakamiss na may mag alaga sayo." Emote emote nanaman ang peg niya.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon