K 18.

24.1K 856 73
                                    


Third Person:

Nahimatay bigla si Elise at nasalo ito ng kanyang asawa na si Nate. Namutla ang dalaga dahil sa mga katagang narinig nito sakanyang Lolo.

...

"Papa! Papa where's my daughter?" Ilang oras ang lumipas ng biglang dumating ang anak ng Don na si Senyora Heidi. Habang si Elise ay kasama ng kanyang asawa sa kwarto nito at wala paring malay.

"Heidi We need to talk." Sabi ng Don sakanyang anak.

"Papa mamaya nalang pwede? I'm so worried." Pag aalala nito.

"Hindi si Elise ang tunay kong apo Heidi. Hindi siya ang anak mo." Biglang nasagi ni Heidi ang babasaging vase dahil sa pagtatapat sakanya ng Don. Maluha luha pa ito at napapangiti dahil hindi niya malaman kung ano bang palabas nanaman ito ng kanyang Ama.

"You're joking right?" Nanginginig ang kamay ni Heidi habang nakataas ito sa gawi ng kanyang ama.

"I'm not Heidi."

"Gemma come over here." Sabi ng Don sa babaeng sinasabi na tunay na Ina ni Elise. Kasama nito ang tunay niyang apo. Ang tunay na Sullivan na si Margaret.

"G-Gemma?" Hindi makapaniwala si Heidi sa pagpunta ng kanyang matalik na kaibigan na si Gemma. Si Gemma na namasukan noon bilang kasambahay sakanila at nakasama na nito hanggang sa paglaki.

"Gemma hindi ko maintindihan." Nanginginig ang boses ni Heidi.

"Heidi natatandaan mo ba noong sabay tayong nanganak? Nagkapalit ang dalawang bata Heidi. Eto, eto ang katibayan ng lahat. Ang DNA samples ni Margaret at ni Don Clemente ay nag match." Mahabang lintana ng dating kaibigan.

Nanghina bigla ang mga tuhod ni Heidi dahil sa katotohanan.

"My Elise." Umiiyak na sabi nito habang inaalala si Elise.

"Mommy." Biglang nagsalita si Margaret na puno ng kagalakan sa mukha. Tumakbo ito at yayakap sana kay Heidi ng magsalita ito.
"Don't!" Sabi nito at itinaas ang isang kamay sanhi para matigil si Margaret sa balak niyang pagyakap dito.

"Heidi anong ginagawa mo? Anak mo si Margaret." Sabi ng ama nito.

"I have to go. Hinihintay na ako ng anak ko." Pinag didiinan ni Heidi at umakyat ng hagdan para hanapin ang anak na si Elise.

Bigla namang nag agusan ang mga luha ni Margaret dahil sa malamig na pakikitungo sakanya ni Heidi. Ang sinasabing tunay nitong Ina.

"Tahan na hija. Nagulat lang ang Mommy mo bigyan pa natin siya ng oras." Sabi ni Don Clemente at niyakap ang sinasabing tunay na apo. Tahimik lamang si Gemma na nakatingin sa dalawa.

...

"Elise my baby. Mommy is here." Nagising ako sa tinig na yon. Ang Mommy!

Minulat ko ang aking mga mata at sumilay sakin ang malungkot nitong mukha habang umiiyak.

"M-Mom?"

"Kamusta ka anak? I'm sorry I wasn't there to protect you. I'm sorry natagalan si Mommy." Paghingi nito ng tawad sakin.

"Mommy it's okay." Hindi ko na mapigil ang pag luha ko at niyakap si Mom. Lalo pa at muli nanamang pumasok saking isipan ang mga katotohanang sinabi ng lolo.

Naramdaman ko naman ang mainit na kamay ni Nate na humaplos saking ulo kaya napa angat ako ng tingin. Seryoso lang ito habang pinapanood akong umiyak.

Bumitaw na si Mom at nagsalita.

"Magusap muna kayo okay? Kakausapin ko ang lolo mo." Seryosong sabi sakin ni Mom.
"Mom." Pigil ko dito.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon