K 26. Part 1

18.6K 593 36
                                    


Sharlene:

Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa mga titig na yon.

"Woah ang init." Hindi ko sinasadyang sabihin. Nagpaypay ako gamit ang aking kamay at tumulo ang pawis ko. Tinatablan narin ako ng tama ng alak.

Hindi siya nagsalita at dahan dahang lumapit sakin.

"Oy jan ka lang!" Pigil ko sakanga pero sadyang bingi ito dahil nakapatong na siya sa ibabaw ko.

Hindi nawala ang mga titig ni Orangu na mas lumalim pa at punong puno ng pagnanasa.

Halos mabingi naman ako sa tibok ng puso ko. Anong nangyayare sakin? Bakit ba naman kasi ang gwapo ng nilalang na to? Ughhh! Nakakainis na!

Papalapit ng papalapit paunti ang kanyang mukha sakin. Napapikit naman ako sa hindi alam na kadahilanan. Marahil ay hinihintay ko yung pag dikit ng mapupula niyang mga labi sakin. Naadik na ata ako sa halik ni Orangu at parang hinahanap hanap ko pa ngayon.

Napaisip ako dahil ang tagal dumikit ng mga labi niya sakin. Napakunot noo ako at nag bukas ng mga mata. Nakita ko ang malapit niyang mukha sakin na seryoso ang pagkakatitig. Nakatingin ako sa mga mata niya habang siya'y nag baba naman ng tingin papunta sa mga labi ko.

"Do you want me to kiss you huh?" Mapanuksong sabi nito. At duon ay nagising ako sa katotohanang lasing na nga siya! Bumakas ang nakakalokong ngisi sa mga labi nito at napahiya ako. Halos kainin na ako ng lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko. Kaagad ko siyang itinulak na malakas at tumayo ako kahit na medyo gumi-gewang na.

Lumakas ang pag tawa nito. Yun bang tawa na kay tagal niyang tinago. Kitang kita ang mapuputi at pantay na pantay nitong mga ngipin at lubog na dimple niya sa kanang mukha.

Mas lalong kumabog ang puso ko. Loko ka Sharlene bakit ka nagpapa apekto sa gayuma ni Orangu? Nakakabinging pag kabog muli ng puso ko ang sumagot sa katanungan ko. I hate this. Ayoko ng ganitong pakiramdam!

Ngayon lang buong buhay ko nabaliw ang puso kong to at kay Orangutan pa! Are you kidding me heart? Bakit dito pa sa mayabang at walang modong lalaking to?

Nagkakatalo na ang brain at heart ko!

"Wahhh I hate you!" Sigaw ko sakanya. Ayokong nakikita yung ganong klase ng pagtawa niya.

Napailing naman ito at walang pakialam na tumayo at nahiga sa kama.

"I hate you Orangu!" Sigaw ko dahil sa mga ngisi niya sakin tsaka ako nagtatakbong lumabas ng cabin.

Third Person:

"Pasindi"

"Oh kailan ka pa natutong mag yosi?" Pabirong sabi ni Cloud sa kaibigang si Rex.

"Loko pasindi na para cool." Sabi naman ni Rex tsaka kinuha ang isang stick ng sigarilyo.

Sisindi na sana ito ng makita si Sharlene na tumatakbo.

"Sharlene? Pre tignan mo oh anong nangyare dun?" Takang tanong ni Rex.

Nakita lang naman nila si Sharlene na nagtatatakbo papuntang dagat at binasa ang buong katawan sa tubig.

"Gago nag su-swimming." Sabi ni Cloud.

"Nagsu-swimming ng naka bath robe?" Takang tanong ni Rex.

"Oo bakit hindi? Malay mo uso sakanya yon." Natatawang sabi ni Cloud. Nagtawanan ang dalawa na parang mga abnormal.

"Puntahan ko muna si Steven baka naman anong ginawa niya kay Sharlene?" Sabi ni Rex.

Napailing naman si Cloud.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon