K 23. The Invitation

24.5K 663 42
                                    

Elise:

"Pupunta tayo ng Palawan." Bungad sakin ni Nate.

"Talaga? Gusto ko yon!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Ginantihan din niya ako ng mahigpit na yakap at mabuti na lamang ay walang katao tao dito ngayon.

"Pero teka kelan pa si Rex nagka girlfriend? Diba nga papalit palit siya ng babae tapos ngayon mababalitaan nalang natin na ikakasal na pala." Naguguluhang tanong ko. Nag kibit-balikat lamang si Nate at pati siya'y walang kaalam alam.

"Kelan pala tayo aalis?" Masayang tanong ko habang nakakawit ang mga kamay ko sa batok ni Nate. Siya nama'y nakahawak sa bewang ko at nakaupo sa table niya.

"Tomorrow." Nakangiting sabi nito.

"Huh? Pano yung trabaho dito?" Tanong ko.

"Leave it to me. Ipapagawa ko nalang yan sa iba."

Bigla namang nag ring ang phone nito kaya't napatingin kami.

"Ang daming tumatawag sayo ha." Pag bibiro ko pa. Napailing na lamang to na nakangiti at kinuha ang phone.

"Si lolo." Sabi nito.

"Oh? Sagutin mo bilis." Sagot ko naman dito.

Pinindot niya ang button at ni-loud speak para marinig ko.

"Hijo ngayon na ang alis ko papuntang Macau. Ibibilin ko sayo si Elise." Bungad nito.

"Yes lolo I know. I'll take care of her." Sagot ni Nate.

"Yung sinabi ko sayo ha sana pag balik ko meron na." Natatawang saad ni lolo. Napanguso naman ako dahil sa pangungulit niya. Wala parin talagang pinag kaiba sa dati. Mas grabe pa nga ang kulit ngayon ng lolo.

"I will." Sagot ni Nate at malagkit na tumingin sakin. Isang malakas na halakhak ang naisagot ng lolo bago pinatay ang tawag. Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa hiya.

"Kung ano ano nanaman yang pinag uusapan niyo ni lolo. Pinatulan mo naman ang kalokohan niya." Sabi ko.

Napatawa ito at pinisil ang pisnge ko. Sabay hapit muli ng aking bewang palapit pa lalo sakanya.
"Ano bang iniisip mo?" Mapang akit na tanong niya.

"Wala po Mr. Salvatore, nagugutom na kasi ako." Sabi ko at sumang-ayon naman ang tiyan ko dahil kumukulo na to sa gutom.

"Hmm ano bang gusto mong kainin?" Ayan nanaman siya sa mapang akit na mga titig sakin. Pati ang matigas na boses ay sadyang nakakaakit saking pandinig.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay hiwalay sakanya. Tatalikod na sana ako para bumalik sa desk ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya.

"I'm kidding." Natatawang sabi nito at hinaplos ang mukha ko tsaka hinalikan saking pisnge.

"Tara lunch na tayo." Sabi nito at hinila ang kamay ko.

"Sandali! Baka mamaya may makakita. Alam mo namang hindi alam ng iba kung sino ba talaga ako." Sabi ko.

"I don't care. Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin ang totoo."

"Ayoko lang kasing isipin nila na ginagamit ko ang pangalan ng lolo." Dahilan ko sakanya na siyang ikinakunot muli ng noo nito.

"Tsk." Sabi nito.

"Oh bakit ka naiinis?" Tanong ko dito.

"Wala ka dapat pakialam sa tingin ng mga tao. Ikaw ang nagpapasahod sakanila baka nakakalimutan mo." Sabi nito at inayos ang coat na suot.

"Hindi pa kasi ako handa." Nakayukong sabi ko sakanya.

Napahinga naman ito ng malalim na hangin at nagsalita.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon