K 62.

14.7K 417 6
                                    


Mahigpit na hinawakan ni Nate ang kamay ko habang buhat buhat ang anak namin. Sabay naming nilagpasan ang dalawang lalaki sa sahig. Parang puzzle ang loob ng gusali. Nakakalito at tiyak na maliligaw ka.
Ilang sandali pa nang kami'y makababa sa susunod na baitang ay nakita namin ang ilan pang mga kalalakihan. Nasa isang mesa at nag babalasa ng baraha. Naalala ko naman ang nangyare kanina, sila ang mga lalaking bumastos sa'kin.

Puro usok at masakit sa ilong na amoy ng alak. Isang bumbilya lang ang nagsisilbi nilang ilaw at isang radyo na pampalipas oras.

Hinila ako ni Nate para magtago sa malaking pader. Hindi dapat kami makagawa ng anumang ingay.

"Nate?" Pabulong na tawag ko dito.

"Shhh." Kaagad niya akong pinatahimik. Seryoso ito at nag iisip ng plano.

Maya maya pa'y may dumating na babae. Si Jisella. "Cassie?" Takang ani ni Nate. Pabulong at maingat. "Nate hindi siya si Cassie." Sagot ko.

Bumakas ang pagtataka nito. Marami pa siyang hindi nalalaman at wala kaming oras para pag usapan ang mga 'yon.

Tahimik muli kaming sumilip. Nakita kong tinatawag lahat ni Jisella ang mga tauhan niya. Pagkakataon na namin 'yon para makatakas.

Ilang sandali pa ang lumipas.

Tanging si Jisella na lang ang natira nang huminto ito sa paglalakad. Kaagad kaming napasandal at nag tago ni Nate sa malaking pader nang biglang umiyak si Jovani.

Kaagad na tinakpan ni Nate ang bibig nito at nag sumiksik kaming tatlo sa isang maliit na lagusan. Dinig ang mga takong na mabilis na naglakad patungo kung saan kami nagtatago kanina.

"Shhh." Bulong ni Nate kay Jovani. Mabuti na lang at mabilis itong tumigil. Hindi parin kami makagalaw ni Nate sa pinagtataguan dahil nagmamasid masid parin si Jisella. Bumunot na ito ng baril at itinutok sa parte kung saan kami nagtatago.

Madilim ang parteng 'yon kung kaya't alam kong hindi kami makikita. Pero biglang nag iba ang plano. Ibinigay sa'kin ni Nate ng maingat si Jovani. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko gusto kung ano man ang pinaplano ni Nate.

Hinalikan ako nito ng mariin sa noo at naghanda na sa paglapit ni Jisella. Nasa likuran lang niya kami ni Jovani habang ako'y walang pag sidlan ang kabang nararamdaman.

Maya maya'y ibinaba na ni Jisella ang hawak hawak na baril at tumalikod na ito sa gawi namin. Napahinga naman ako ng maluwag nang biglang may masagi akong nag sanhi ng ingay. Mabilis ang mga pangyayare ngunit tila naging mabagal sa paningin ko.

Kitang kita ko ang pag lingon ni Jisella at naalarmang ikakasa na ang baril sa gawi namin nang lumabas si Nate at patakbong itinaas ang dalawang kamay nito. Nag aagawan sila ngayon sa baril!

Pumutok ng isa, dalawa hanggang sa pangatlong beses ito sa itaas na nag sanhi ng matinding ingay. Natigil si Jisella sa pakikipag laban nang madinig muli ang pag iyak ng anak ko si Jovani. Umiiyak ito dahil sa lakas ng putok ng baril na umaalingawngaw sa buong paligid.

Napangisi ito at may kakaibang tingin. Alam kong idadamay niya ang bata kung kaya't itinabi ko sa gilid si Jovani tsaka patakbong lumabas para sunggaban ito.

Kitang kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ako. Dali dali akong tumalon sa likuran nito at sinakal siya. Kaagad niyang nabitawan ang baril at sinipa ng malakas si Nate dahilan para mapahiga ito sa sahig.

"Walang hiyang babae ka! Papatayin kita!" Sigaw nito. Kaagad na kinuha ni Nate ang baril at itinutok kay Jisella na siya namang pag dating ni Larry at malakas itong pinukpok ng sariling baril mula sa likuran.
"Nate!" Pag aalala ko.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon