K 63.

16.1K 450 16
                                    


Tatlong araw ang lumipas. Tatlong araw naring nasa bilangguan sina Jisella at Larry. Ibang kulungan naman ang napuntahan ni Nancy at sa mental na ito diniretso.

Nasa hospital kami ngayon dahil na admit ang lolo. Nagpapagaling narin si Nate na hindi naman ganoon kalala. Ipinatingin ko rin ang aking dibdib sa isang espesiyalista. Nagtamo kasi ng pasa ito dahil sa tama ng bala na sinalag ng cellphone na iniregalo sa'kin ni Nate.

Mabuti naman ang kalagayan naming mag anak. Nasa stroller ang baby Jovani ng magpunta kami sa silid ng lolo. Kaagad naman kaming sinalubong ng mommy na may malaking pagkakangiti sa mga labi.

Maaliwalas na ang mukha nito. Ibinigay naman ni Nate ang isang basket na puno ng mga prutas. Hindi nagtagal ay nagising na ang lolo at kaagad akong hinanap.

Lumapit ako sakanya at niyakap. "Kamusta ang pakiramdam niyo?" Tanong ko dito. May ngiti naman sa mga labi niya at hinawakan ng pisnge ko.

"Elise apo." Bungad nito. Nagkatinginan naman kaming lahat sa pagtataka.

"Handa na akong makulong." Ani ng lolo. Gumuhit muli sa isip ko ang nalamang katotohanan na hindi naman itinanggi ng lolo. Totoong ni rape nito si Jisella pero hindi totoo ang akusasiyong pagpatay ng lolo.

"Lolo wag kang mag alala hindi ka magtatagal sa kulungan." Determinado akong aksyunan ang kaso ng lolo. Mas malakas ang laban namin dahil nakumpirmang wala naman talaga itong pinatay na tao.

Ilang araw pa ang lumipas at nagpadakip na ang lolo sa mga pulisya. Narito kami ni Nate sa labas ng mansion at nagpapahangin. Kasama ko ang anak namin na hindi ko na maiwan iwanan. Natatakot na akong magtiwala pang muli sa ibang tao.

"Elise pwede ba tayong mag usap?" Bungad ng mommy. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Nate.

"I'll take care of our son." At kinuha ni Nate sa stroller si Jovani tsaka ito umalis para makapag usap kami ng mommy.

Nakangiti namang lumapit sa'kin ang mommy.

"Mom?" Takang tanong ko.

"Anak next month na ang birthday mo. Isang buwan na lang at nasa tamang edad kana." Masayang ani nito. Napangiti naman ako ngunit kalahati sa'kin ay malungkot dahil hindi makakasama ang lolo.

"Gusto kong ibigay sayo ang kwintas na to." Kinuha niya ang palad ko at inilapag ang magandang kwintas.

"Regalo sa'kin yan ng lolo mo nang tumuntong ako sa tamang edad." Nakangiting sabi ng mommy. Namangha ako sa ganda ng kwintas. May nakaukit pang mga bituwin sa gitna ng pendant at napapalibutan ng diamond.

"Gusto kong itago mo yan at ibigay sa mapapangasawa ni Jovani." Ani ng mommy. Napangiti naman ako ng isiping mag aasawa si Jovani.

"Malayo pa ang panahon mommy. Gusto ko munang ma enjoy ang baby namin ni Nate." Pagbibiro ko. Nagtawanan naman kaming dalawa ng mommy dahil sa mga naiisip tungkol sa future ni Jovan.

Ilang sandali lang ay tumatawag ang katulong namin. Tumatakbo ito at hapong hapong ibinigay ang telepono.

Tawag 'yon mula kay Attorney Trinidad ang kinuha kong abogado ng lolo. Kaagad na kinuha ng mommy ang tawag at sinagot.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko ang pagpatak ng mga luha nito at ngiting walang paglagyan. Nagkatinginan kaming dalawa at niyakap ako ng mahigpit ng mommy pagkababa ng tawag.

"Elise makakalaya na ang lolo mo." Naiiyak na sabi nito. Magandang balita 'yon para saamin. Nakumpirma naman kasing nagkaroon ng relasiyon sa pagitan ng lolo at ni Jisella at hindi maitatawag na rape ang nangyare. Napatunayan rin na pinatay mismo ni Jisella ang sariling asawa. Walang kasalanan ang lolo. Ginamit din nito si Larry para sa pagpapanggap. Walang katunayan ang lahat ng ibinintang nito sa lolo.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon