K 58.

14.9K 553 47
                                    


Elise:

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang mabigat na kamay sa aking tiyan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala ako sa'king sariling kwarto. Mas lalo ang kaba ko ng malamang may katabi ako ngayon sa kama.

"Hmmm." Rinig ko ang ungol niya mula sa pagkatulog. Fuck what happened? Sobrang nalasing ako at hindi na maalala ang ibang kaganapan.

Tinanggal ko ang kamay nito sa'king tiyan at mas nagulantang ng makitang wala akong ni anumang saplot sa katawan. Madilim ang paligid ng buong kwarto pero alam kong hubo't hubad ang katawan ko ng mga oras na 'yon.

"Shit!" Napamura ako. Sino ang lalaking to? Tsk ang tanga tanga mo Elise. Kaagad akong tumayo at napapikit, I feel sore down there. Pati mga tuhod ko ay nanginginig sa pagod dahil sa naganap kagabi. Dali dali kong dinampot ang ilang mga saplot ng damit na nakakalat mismo sa sahig. Nakakahiya hindi maaari to!

Nilingon ko ang lalaki na alam kong nakatalik ko ngunit nakatalikod na ito. Tulad ko kitang kita ko ang hubad nitong likod habang natatabunan ng makapal na kumot ang pang ibaba. Napakagat labi ako sa katangahang nagawa ko. May anak at asawa ako pero ano to? Bakit ako lumandi!
Hindi ko na muli itong nilingon ng maisuot ang mga damit ko. Kaagad akong lumabas ng kwarto niya at napayuko na lang ng may dumaang mga housekeeper. Nakita ko pa ang nakasabit sa doorknob na signage at nakalagay ang salitang 'Do not disturb'

Napailing na lamang ako at binaybay ang daan papalayo sa kwarto ng misteryosong lalaking 'yon.

Napahawak pa ako sa'king ulo. Hindi pa nawawala ang tama ng alak sa'kin at tinatamaan naman ako ngayon ng hang over.

Kaagad kong tinungo ang elevator at napag alaman kong isang palapag lang ang pagitan ng kwarto naming dalawa.

Napasampal ako saking sarili. Ano ba tong kapabayaang pinag gagawa ko? Napaka tanga ko talaga! Hindi na dapat akong nag lasing pa.

Pagkabukas ng pinto'y kaagad akong tumakbo sa kwarto ko. Mabuti na lang at nasa'kin pa ang key card at hindi ko ito nawala.

Para akong lantang gulay ng mahiga sa kama. Napatingin pa ako mismo sa orasan pasado alas kwatro ng madaling araw. Napailing iling ako at tumakbo sa banyo para mahimasmasan at maglinis ng katawan. Ramdam ko pa ang init ng halik ng lalaking 'yon na naglakbay mismo sa buo kong katawan.

Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang mga halik niyang 'yon. Gulong gulo na ako. Gulong gulo na.

Matapos kong maligo at mag sipilyo ay nag bihis ako. Hindi pa nakakapag patuyo ng buhok pero gusto ko ng matulog dahil hinihila na ako ng antok. Hindi na dapat pang maulit ang kapabayaan ko dahil ayokong masira ang reputasyon ko bilang asawa ni Nate. Hiyang hiya ako sa'king anak at asawa. Hiyang hiya sa'king balat.

"Elise?"

Nagising ako sa sikat ng araw na dumadampi sa'king mukha at sa tunog ng doorbell mismo ng kwartong to.

"Elise?" Boses ni Cassie ang tumatawag sa'kin na galing sa labas. Napakamot ako sa ulo tsaka tumayo. Namumugto pa ang mga mata dala ng malalim na pag tulog.

Tumayo ako at nahirapang maglakad. Masiyado akong napagod sa nangyare. Hindi gaanong makalakad dahil sa lalaking 'yon. Napailing ako dahil hindi ko dapat iniisip 'yon. Isang malaking kamalian na alam kong habang buhay na pagsisisihan ko.

Humihikab pa ako ng pag buksan ko ito ng pinto.

"Oh Cassie."

"Elise kakagising mo lang? My goodness bumaba kana tanghali na." Napalingon ako sa wall clock at napataas ang kanang kilay ko ng makitang pasado alas dose na nga ng tanghali. Napahaba ang tulog ko.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon