K 44.

16.8K 576 78
                                    


Elise:

"Kakain ka o kakain ka?" Nangunot noo ako ng marinig ang boses nito.

"Elise dalawang araw pa lang wala si Nate ganyan kana. Paano pa kaya ang tatlong taon girl?" It's Sharlene.

Napanguso ako habang nilalaro laro yung unan na may mukha ni Nate. Yes, nagpaprint talaga ako ng picture niya tapos dinikit ko sa malaking unan.

"Hay bakit ba kasi ang tagal mo ha?" Kausap ko yung unan. Kunyari siya ang kausap.

"Namimiss na agad kita! Hindi ka man lang tumatawag." Napanguso ako sabay suntok sa mukha ng asawa ko, sa picture.

"Para kang timang diyan." Natatawang sabi ni Sharlene habang hawak hawak ang laptop.

Sabado ngayon kaya walang pasok.

"Nakakainis namimiss ko na siyaaaa!" Sabay baon ng mukha ko sa unan na may picture ni koneho.

"Oh my God look!" Ani ni Sharlene.

"Ano ba yon? Nag momoment ako rito eh."

Hindi pa rin ako tumitingin rito.

Hinihila hila parin nito ang laylayan ng pajamas ko.

"Tignan mo muna to dali!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa kulit nito. I looked at her with a blank stare.

"What?" Iritableng sabi ko.

"Dolcelatte are hiring!" Sabay turo sa laptop.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko.

"Patingin nga kung qualified ako." Kinuha ang laptop.

Napakunot noo nanaman ako.

"18 years old and above." Inis na sabi ko sa kaibigan.

"Ano ka ba hindi mo ba nakikita to? Part time pwedeng 16 years old." Sabay turo sa ibaba ng numero. Nanlaki ulit ang mga mata ko sa nakapaskil.

"Kaya mo ba ang 4 hours? Part time lang naman eh. Kaso ang tanong paano ang pag aaral mo?" Pag aalala niya.

"Kaya ko. Madali nalang yon." Gusto ko talagang mag pursigi. Gusto kong may mapatunayan at higit sa lahat ay mag ipon papuntang Barcelona.

"Kailangan nga lang natin mag ingat." Ani nito.

"Kapag nalaman to ng lolo mo for sure malalagot tayong dalawa." Dagdag pa niya.
"Trust me, magaling akong mag tago." Feelings ko nga natago ko kay Nate, ito pa kaya? Sisiw lang to.

"Sa monday samahan kita mag pasa ng resume." Ani ni Shar.

"Thank you Shar!" I hugged her so tight.

"Okay okay, pwede mo na akong bitawan gosh para kang si Ronda Rousey yung wrestler babalian mo ata ako ng buto." Hindi ko napigilan ang malakas na pag tawa dahil sa sinabi niya. Tawa lang ako ng tawa at hindi ko namalayang hapon na pala.

"Kanina pa tayo nakakulong dito baka gusto mo naman akong pakainin?" Angal nito.

"Opo opo ito na." Tumayo ako. I grabbed my phone to order some pizza.

"Yellow cab please." Aba nag request pa.

"Okay!"

.....

"Haaay ang sarap talaga." With matching burp pa talaga itong si Sharlene habang hinihimas himas ang tiyan sa busog.

"Grabe ka halos ubusin mo na ang isang box ng pizza." Di makapaniwalang sabi ko. Well dapat nga sanay na ako. Si Sharlene lang naman ang kilala kong akala mo'y construction worker kung lumamon. Mabuti nga't maganda parin ang pangangatawan kahit na sobran tamad mag gym.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon