K 11.

26.6K 811 17
                                    


Elise:

Tumaas ang kilay ni Heven sa nalaman. Tsk bakit biglang nagulat ang bruhang to? Hindi ba niya alam na kasal na ang unggoy na to?

"Oh talaga wow congrats!" Niyakap niya si Nate at hinalikan sa leeg. Tumikhim naman ang lolo dahil duon at ako'y natulala dahil sa pagkagulat. Agad namang umiwas si Nate at hinawakan ang bewang ko.

"Excuse us Heven." Sabi nito dahil papasok na kami sa pabrika. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng Heven na yon dito o bakit naligaw.

Nakasunod lamang si lolo samin. Nakasimangot na ako dahil sa pagka irita. Ang kapal ng babaeng yon at talagang sa harap ko pa.

"Tahimik mo." Basag ni Nate dahil hindi ko siya iniimik. Hindi ko parin siya pinansin at nagmadali na akong naglakad para makapasok na sa loob ng pabrika. Sira narin naman ang araw ko kanina pa kaya lulubusin ko na.

Namangha ako ng makapasok sa loob. Pabrika pala ito ng pagawaan ng iba't ibang klase ng perlas. Oo totoong mga perlas na kinukuha pa sa pinaka ilalim ng dagat.

Napahawak ako sa railing at tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko dito sa itaas ang mga trabahador ng lolo. Hindi ko maiwasang hindi mamangha, sadyang napakaganda ng perlas saking mga mata.

"Ito ang ipapamana ko sayo Nate. Gusto kong ikaw ang mag asikaso nadin nito kapag natuloy ang lipad ko sa Macau." Narinig ko ito kay lolo. Tahimik lamang si Nate at nakikinig.

"May kompanya tayo at gusto kong ikaw ang mamahala dito. From now on you will be the new CEO." Sabi ng lolo. Hindi ako makapaniwala na ipapamana niya kay Nate yun. Yes we have a huge company. The S.BluPearl Corporation or SBP Corp. At isa kami sa mga sikat na kompanya sa buong Pilipinas at maging sa Europa.

Ngunit nanatiling tahimik parin hanggang ngayon si Nate.

"Makakaasa ba ako Hijo?"

Tumango naman ito bilang pag sang-ayon sa gusto ng lolo.

"Mabuti naman kung ganon. Oh bago ko malimutan." Napalingon na ako sa lolo may pahabol nanaman ito.

'Elise hija diba may ojt ka?" Tanong niya sakin. Yes ngayong sembreak ay may ojt na agad kaming mga freshmen sa iba't ibang company. Meron kasi kaming subject na business Ad.

"Yes lolo why?" Nakataas na ang kilay ko mukhang may hindi magandang mangyayare.

"Gusto ko sa kompanya kana mag ojt. Ikaw ang kukunin kong secretary ng bagong CEO." Sabi nito sabay tingin kay Nate.

"What?!" Sabay naming sabi ni Nate.

"Para naman hindi kayo malayo sa isa't isa. Alam kong magiging busy kayo at sa mansion na lang magkakakitaan." Nakangiting sabi ng lolo.

Sigurado ba siya? Ibig sabihin makikita ko pa pala ang lalaking to kahit sa sembreak. Kainis mas mahihirapan lang akong mag move on.

"Are we clear?" Sabi ng lolo.

"Yes." Si Nate lang ang sumagot.

"Hija is there any problem with that?" Kunot noong tanong sakin ng lolo. Hindi niya lang alam kung gaano ako kinakabahan sa mga oras na yon kung kaya't hindi agad ako nakapag salita.

"Ehem." Tumukhim ang lolo ng nagbalik saking katinuan. Lumilipad na kasi ang isip ko.

"Y-yes lolo." Pag sang-ayon ko.

"Good! Ngayon ituturo ko kung paano ang pag gawa ng perlas." Nakangiting sabi at sabay kaming bumaba.

Hindi sinasadya na mag tama ang aming braso ni Nate habang kami'y pababa at isang malakas na kuryente ang dumaloy saking katawan.

"Aray." Napahawak ako sa railing at akmang aalalayan niya ako ng tumakbo ako pababa.

"Hija magdahan dahan ka baka madisgrasiya ka." Hindi ko na pinansin ang sinabi ng lolo. Tumaas kasi ang balahibo ko. Bakit ganon nalang yung epekto sakin ng lalaking yun? Kailangan ko siyang iwasan dahil mahihirapan lang ako kapag nagtagal pa to.

"Umayos kayong lahat narito na ang Don pati ang Señorito't Señorita." Sabi ng isang lalaking naka pormal na suot. Nagsiyukuan naman ang lahat at isa isang bumati samin.

Nginitian ko naman sila at ng magawi kay Nate ang tingin ko'y nakasimangot lang ito. Talagang pagkakamalan siyang suplado sa awra niya. Ang ilang mga dalaga nama'y kilig na kilig ng madaanan namin. Hindi na ako magtataka dahil iisa lang naman ang nagpapakilig sa kanila. Walang iba kundi ang asawa ko.

Napailing na lamang ako at pinakalma ang sarili. Hanggang sa maaari'y ayoko munang kausapin si Nate.

Lumapit samin ang Supervisor at Manager ng pabrika. Malaki ang ngiti sa mga labi habang inaalalayan ang lolo sa makina na kanilang ginagamit sa pag-gawa ng iba't ibang uri ng accessories gamit ang perlas.

Bumalik narin ang mga mang-gagawa sa kani-kanilang station at naging abala na.

Habang abala ang lolo sa pagpapaliwanag kay Nate ay napadako ang tingin ko sa isang babasaging kahon. Isang kulay blue pearl necklace ang naroon. May nakakabit pang tunay na diamonds na siyang mas nagpaganda sa necklace na yon.

I amazed. It's so beautiful and nice. Maganda ang pagkakagawa ng kwintas na yon.

"Hija come here." Tawag sakin ng lolo.

Kaagad naman akong lumapit.

"Tulungan mo si Nate na gumawa ng kwintas gamit ang kamay."

"P-Po are you serious lolo?" Gulat na tanong ko. Tumawa naman ang lolo maging ang Supervisor at Manager.

"Yes hija don't worry hindi niyo kailangan ng machine sa kwintas na yan. Ito ang mga beads at string. Mag ingat ka nakakasugat ang string." Sabi ng lolo.

Kinuha ko na yon at naupo sa upuan. Habang busy naman si lolo at inikot na ang pabrika. Tahimik lang akong nag sasama-sama ng mga pearl beads. Ayokong kausapin si Nate dahil baka ano pa ang masabi ko.

Tumabi naman ito sa tabi ko. Ramdam ko ang titig niya sakin kaya mas sumimangot ako. Ayokong kakitaan niya ng kahit anong kilig kahit na deep inside ay nagwawala na ang puso ko.

Hawak ko yung splice at ng ila-lock ko na yung string ay napasigaw ako.

"Aray!" kaagad naman niyang hinawi sa kamay ko yung splice at kinuha yung kamay ko. Naramdaman ko nanaman yung kuryente kaya binawi ko.

"Ano ba kaya ko." Inis na sabi ko.

"Kaya pala naipit na yang daliri mo." Inis na sabi nito at binawi ulit yung kamay ko. Hinihipan niya yung hintuturo ko na naipit ng splice. Mabuti nalang talaga at hindi natanggal yung kuko ko.

"Does it still hurt?" Tanong nito habang hinihipan padin yung daliri ko. Tumango naman ako at hindi na nagawang magsalita pa.

Napalunok ako ng matuon ang tingin ko sa mapupulang labi niya. Hindi niya tinigilan yung pag ihip sa daliri ko at kakaibang kuryente nanaman ang dulot sakin nun.

Ang puso ko'y sasabog na. Hindi na ako makahinga dahil sa lapit niya saking mukha. Ang bango bango talaga niya. Lalaking lalaki ang pabango.

"Tama na okay na ko." Sabi ko at tinaggal ang kamay sa pagkakahawak niya.

"Mag ingat ka kasi Elise." Sabi niya sakin. Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko na parang bata.

"You still my Princess." Sabi nito at parang bumalik kami saking pagka bata. Hindi ko alam kung masasaktan ako o matutuwa sa sinabi niya. Ang labo. Sobrang labo ng mga pinapakita niya sakin.

I'm still his Princess. Hanggang dun nalang ba yon? Napakagat labi ako at napangiti ng mapait. Tinanggal ko ang kamay niya saking ulo.

"I'm not your Princess anymore." Sabi ko sakanya tsaka ako bumalik sa ginagawa ko at hindi na nagsalita pa. Bakas ang kanyang pagtataka sakin at kahit na ramdam ko na gusto pa niyang magsalita'y hindi na niya ginawa pa at tinitigan nalang ako.

Hanggang kelan mo ako tititigan Nate Salvatore? I really hate you!

Inis na sabi ko saking isip kahit na sumasalungat ang puso ko.

Itutuloy..

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon