CHAPTER 2

12.3K 250 7
                                    

***********

Napahinto siya sa isang gilid at pinuntahan niya si Loaisa. Huling kita niya pa sa dalaga ay nag-aaral pa ito, paanong nandito siya? Akala niya ay nasa Vatican si Loaisa para mag-aral at gusto niyang maging madre.

"Ate Loaisa!" napalingon naman si Loaisa, ang ganda talaga niya. Sabagay mag pinsan sila saan nga ba siya magmamana ng kagandahan?

"Bakit ka naandito? Akala ko nasa U.S ka at nag-aaral?" medyo gulat pa ang dalaga, nginitian niya lang. Oo nga pala nacomatose ng ilang taon si Loaisa at ilang taon silang di nagkita kaya ang akala siguro nito ay nag-aaral pa rin siya.

"Nope, I got work last two years in U.S as a mechanical engineer" bumeso naman siya kay Loaisa, ang laki na ng pinagbago nito dahil nagkalaman na ito hindi tulad noon na talagang buto't balat.

"Let's have a coffee, my treat" pumunta naman sila sa isang coffee shop.

"Anong balita naman sayo ate Loaisa" hindi naman gan'on na nakaimik ang dalaga at parang may iniisip.

"Kilala mo naman 'yong ex ko diba?" ang ate Loaisa niya ay may nag-iisang ex, siguro first and last boyfriend na iyon ni Loaisa dahil magmamadre na siya.

"Yup, kaibigan ni kuya U" small world, kaibigan ng kuya niya ang Ex ng ate niya, hindi lang kaibigan kundi pamangkin ng doktor na tumingin sa kuya niya noong bata pa ito.

"S'ya ngayon ang may ari ng Jones hospital! Nakakinis mababaliw na 'ko-

"Mahal mo pa ba?" pagpagputol niya sa sinasabi ni Loaisa. Naging malikot ang mata ng dalaga tiyaka bumuntong hininga.

"Hindi ko alam, basta galit ako sa kanya... Hindi ko na siguro siya mapapatawad" napailing na lang si Cia sa sinabi ng pinsan niya. Kung siya din naman ay iwan ng ganon baka patayin niya pa si Blue. Tumunog ang cellphone ni Loaisa at nagpaalam na siya dahil hinahanap na daw siya ni Blue. Umuwi naman na si Cia sa condo niya, ayaw niya sa bahay nila dahil makikita niya ang kapatid niyang tamad.

Nagpahinga siya at kinabukasan ay bumalik siya sa UIA para naman maiayos ang mga nasirang eroplano, she checked up the planes with other engineers and planed how to fix those planes. Natapos ang dalawang linggo at naayos nila ang mga nasirang eroplano. Kung sinuswerte ka nga naman meron siyang dalawa't kalahating buwan na magbabakasyon sa Pilipinas wala naman siyang pupuntahan. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama kaya naman napagdesisyunan niyang mag road trip.

Ilang oras na siyang nagmamaneho at nasa La Union siya, medyo maliblib na ang lugar at biglang tumirik ang sasakyan niya. Alas kwatro na ng hapon, naghanap siya ng malapit na hotel gamit ang isang app sa cellphone niya at walang malapit na matutuluyan. Pagkatanga nga naman. Binuksan niya ang hood ng sasakyan, naghubad naman siya nang damit dahil baka madumihan ito puti pa naman at natira ang sports bra niya. Kumuha siya ng mga gamit at inayos ang makina ng sasakyan niya, pinaandar niya itong muli at ayaw naman mag start kaya naman muli niyang kinalikot ang sasakyan nang may humintong tricycle driver sa harap niya.

"Miss seksi, may malapit na talyer dito. Nandoon si bossing magagawa niya yan" nakita ni Cia ang respeto sa mata ng driver sa tinatawag nitong bossing.

"Okay, can you help me to take my car to that 'talyer" 'ano ba ang talyer?'

Sa totoo lang ngayon lang nakarinig ng ganoong salita si Cia. Ang matanda naman ay hinila ang kotse niya gamit ang tricycle na minamaneho ng matanda, nagsuot na rin naman siya ng damit nakalimutan niyang nasa Pilipinas siya kaya pala panay ang tingin ng matanda sa kanyang dibdib.

"BOSSING! may magpapagawa bagong salta lang dito, ngayon ko lang siya nakita dito at nasiraan ng sasakyan sa gitnang talahiban" magiliw na sabi ng driver sa lalaking nakatalikod at wala itong pang itaas na damit, ragged jeans ang suot na mukhang madumi pero pag dating sa likod ay putangina nakakapanglaway. Ang mga muscle nito ay hulmang-hulma walang nagawa si Cia kundi punasan ang laway niya, kung pwedeng kainin ang lalaking nakatalikod ay baka nakain na niya iyon.


"Sige po mang Gino" sabi ng lalaki habang nakatalikod, may inaasikaso ito. Dapat pala hindi siya nagsuot ng damit, may ibubuga naman kasi ang katawan niya.

"Excuse me" lumabas siya sa sasakyan at kinalabit ang lalaking nakatalikod pagkatapos mag salita.

Lumingon ang lalaki at gan'on na lang ang pagkagulat niya kasi ang lalaking iyon ang humalik sa kanya! Kung susuwertehin este mamalasin ka nga naman.

Hindi nagsalita si Hunter at nilagpasan lang niya si Cia, kaya naman galit na galit si Cia kay Hunter. Pinuntahan ni Hunter ang sasakyan ni Cia at nagulat siya kasi napakaganda ng makina nito, halatang pinagkagastusan ngunit papaanong nagkaroon ng ganitong sasakyan ang napakagandang babaeng tulad niya?


Hindi nagsasalita si Hunter dahil may speech defect siya alam niyang mauutal-utal siya kapag nakausap niya si Cia, tuwid siyang magsalita kapag ang kausap niya ay malapit sa kanya at sa tuwing nakikipag sex naman siya hindi siya nagsasalita kumbaga silent but deadly.


Sinilip ni Cia ang ginagawa ni Hunter at natulala siya dahil magaling ito, naiinggit naman siya sa sasakyan niya...


Ano kayang pakiramdam na kalikutin ka niya? Napakagat sa labi si Cia, masarap kaya?


"Miss seksi, huwag mong hubaran si bossing" nahinto siya sa pag-iisip kasi sumingit si mang Gino.



"He is the owner of this what you called talyer, right?-


"Miss seksi tagalog na lang ang sabihin mo dahil hindi ako marunong mag-ingles" pamumutol sa kanya ni mang Gino.



"Okay, siya ang namamahala sa talyer? Siya din ang mekaniko? Wala ba siyang kasama dito na nag-aayos ng mga sasakyan?" napangiti si mang Gino sa sinabi ni Cia, ang bossing nga naman matinik talaga sa chiks.



"Oo siya ang may-ari at siya rin ang mekaniko dito. Walang kasama si bossing kasi pihikan siya sa mga makakasalamuha niya" Napatango si Cia at wala sa sariling nilapitan si Hunter.



"Pwede ba kong mag-apply bilang mekaniko?" pwede naman siguro diba? Pero paano ang pangalan niya? Hindi pwedeng malaman kung sino talaga siya, tiyaka aalis din naman siya pagkalipas ng dalawang buwan at kalahati.



"Wh-what?" hindi halata na talagang nautal si Hunter dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulat.



"Paano mag-apply dito, gusto kong maging mekaniko. I'm Chrisanta Dimakulangan, kahit assisstant mo lang bossing wala kasi akong mauuwian. Kahit magkano ibayad mo sakin basta dito ako titira, wala kasi akong bahay na mauuwian" really Cia? May mansion at condo sa Manila tapos walang mauuwian? Walang reaksyon si Hunter, paano magiging mekaniko ang babae... eh, mukhang hindi nga marunong humawak ng yabe eh.



"So, Silent means yes? Dito na ako makikitulog ahh, may banyo naman siguro itong talyer mo" halos maubo si Hunter, mukhang naabuso siya dahil sa kanyang kalagayan. Hindi naman kasi siya mabilis magtiwala kaso mauutal siya at ayaw niyang mahusgahan dahil sa kanyang pananalita.



Nagsimula ang pagkautal ni Hunter noong nasa puder siya ng kanyang magulang, dahil sa kanilang kayamanan marami ang gustong makipag-usap at makipag kaibigan sa kanya ngunit walang niisa ang naging tapat kung kaya't noong nagbakasyon siya sa kanyang lolo at lola sa Pilipinas ay hindi siya gaanong nagsasalita at nang siya ay magsalita, nauutal pa rin siya sa edad na pitong taon kaya naman pinasok siya sa SPED school na kung saan nandoon ang mga fuckers na kasama niya puwera kay Blue na pamangkin ng may-ari ng eskuwelahan. Si Blue lang ang pinaka matino samantalang lahat sila ay may kapansanan tulad ni Hier na may autism at si King na alter ni Knight.

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon