CHAPTER 19

5.6K 136 15
                                    

"Alam mo Terio-"

"Iw, Hunter itawag mo sakin. Ang baduy!"

"Ha? Cutie kaya! Terio! Parang aso."

"Gago. Terrier 'yon."

"Alam mo ba 'yong joke? Malamang si Terrier ka ba? Parehas kasing may T. E. R. TERio, TERrier. Duh!"

"Tatawa na ba ako?"

Napahilot ng sintido si Pheobe.

'God, bakit siya ang ibinigay niyo sa akin? Puwedeng iba na lang? Please, magiging mabait na ako.'

"Oo sige lang tumawa ka hanggang maubusan ka ng hininga nang mamatay ka ng bwisit ka."

"Hahaha. Ulol."

"Sarap ng pagkaulol mong hinayupak ka"

"Sorry."

"Ay nagso-sorry ka pala? Pumuti na siguro ang uwak."

"Grabe ka na naman sa akin."

"Wow talaga! Parang ako pa ang masama. Grabe!"

"Sorry na kasi."

Napahinto si Pheobe nang yumakap sa kanya si Hunter ng mahigpit.

"Excuse me! Manyakol ka! Bitaw bitaw bitaw! Tsansing ka talaga."

"Hoy! Yumakap lang ako, anong masama sa yakap?"

"Hindi naman masama ang yakap, ikaw 'yong masama."

"Ano? Okay na ba? Masaya ka naman sa ginagawa mo sa akin? Kulang pa ba? Sige lang pagpatuloy mo pa"

Tatadyakan niya sana si Hunter ngunit nakatali ang kaniyang mga paa.

"Oh, pikon ka pala eh."

"Mukha mo pa lang nakakapikon na eh."

"Siguro hindi ka sanay makakita ng guwapo."

"Siguro, may hangin na 'yang utak mo. Lakas ng tama mo eh."

"Sa'yo lang naman ako tinamaan ng ganito."

Pinigilan ni Pheobe ang pagngiti niya.

"Yiee, kinilig ka 'no."

"Hindi ah. Baduy mo."

"Weh, sus!"

"Puwet mo sus! Umayos ka nga! Para kang bata!"

"Yieee."

Tinusok-tusok ni Hunter ang tagiliran ni Pheobe.

"Hunter! Ano ba!"

"I love you."

Napatigil silang dalawa at mahahalata ang pagkabigla ni Pheobe sa sinabi ni Hunter.

"Sorry, wrong dial. I don't love you"

"Panira ka talaga ng moment. Ano naman kung 'di mo ko mahal? Sinabi ko bang mahalin mo ako?"

"Hindi."

"Hindi pala eh. Ang akin lang, mahal kita."

"Edi iyo na."

"Ano? Akin ka na lang?"

"Hoy! Wala akong sinabing sa iyo na ako.'

"Sabi ko kanina... Ang akin lang, mahal kita. Ang sagot mo, edi iyo na. So akin ka na?"

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon