CHAPTER 7

8.1K 210 8
                                    

Nahinto ang dalawa nang marinig ang pagkabagsak ng kutsara at tinidor. Bahagyang nakahilis ang damit ni Cia at ang kanang kamay ni Hunter ay nakapatong na sa kanang dibdib ni Cia.

" Jusko! Ako na mag-aasikaso dito sa kusina. May kuwarto naman tayo, bakit sa kusina pa? "

Gulat na gulat si Aling Helena sa nasaksihan niya. Kung hindi siya dumating ng mas maaga ay baka nakita niya na sa akto ang dalawa.

" Pasensya na Nay, si Hunter kasi. Sorry po. Ako na po dito... Hunter pumasok ka na sa kuwarto, kailangan mo ng cold shower. "

Sinamaan lang siya ng tingin ni Hunter. Kitang-kita niya ang pagkapula ng tainga ni Hunter.

' Bitin much naman. Nay Helen kasi eh. '

" Sige na, tabi tayo mamaya matulog. "

Mabilis na hinalikan ni Cia si Hunter at tinulak papalabas ng kusina.

"Iinom ako ng tubig."

"Oo na, ako na kukuha ng tubig mo."

'Tsk, manang naman eh. Nandun na eh.'

Wala sa sariling napakamot sa batok si Hunter. Pagkatapos niyang uminom ay imbes na sa kuwarto siya pumunta ay dumiretso siya sa talyer. Nakita niya si Mang Gino na inaayos ang tricycle.

" May sira po ba? Sabi ko naman kasi sa inyo na palitan na natin 'yang tricycle niyo. Mayroong bagong labas ang kumpanya namin. Maganda pa, ako na bahala sa side car. "

" Naku! Bossing, huwag na. Kaya pa naman 'to. "

Walang nagawa si Hunter kundi pagbigyan ang gusto ni mang Gino. Matagal na niya kasing pinipilit ang matanda na palitan na ang tricycle nito ngunit pilit namang umaayaw ang matanda.

" Bossing may nangyari ba? Namumula kasi ang leeg at ang tainga mo. "

" Ahh wala naman. Sige aayusin ko lang 'tong mga gamit. Magsasara na ko. "

" Balita ko girlfriend mo na daw si sexy. Ang bilis talaga ni bossing. Pero alam mo bossing, iba talaga ang kamandag mo. Lahat nag-hahabol sa'yo. Kulang na lang habulin ka rin ng aso. "

" Hahaha, manong talaga. "

" Yow! Yung motor ko ayos na? "

Bigla namang sumulpot ang kaibigan ni Hunter na nagpaayos ng motor.

" Hindi pa, bukas mo na lang kunin. "

" Ahh ganun ba? Sige. Mauna na ako."

"Mang Gino, bukas aalis kami ni Cia. Iiwan ko sa iyo ang susi tapos itong motor bigay mo sa kanya bukas. Aayusin ko pa pala 'to ngayon."

"Sige bossing. Iwan mo na lang kay Helena ang susi para sa kanya ko kukunin bukas."

" Aba! Mga galawan Mang Gino ah. Sabagay, bata pa ko nang makita ko kayong masaya ni Aling Helena. "

" Hahaha. Naku! Dati na iyon. Tanggap ko naman na, wala na talaga kaming patutunguhan ni Helena. Kumbaga nasa dulo na kaming dalaw

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon