CHAPTER 4

9K 208 9
                                    

How to tame your strict boss.
Ang mga sumusunod ay paraan upang mapasa'yo ang boss mong masungit at sobrang strikto.


1. Be efficient in work. Para mapansin ka ng boss mo kailangan magaling kang trumabaho este, magtrabaho.



'Well, proud akong efficient sa work. Mechanical engineer ako at sa talyer ako magtatrabaho.'


2. Have a confidence. Kapag kausap mo ang boss mo, oo magalang ka pero dapat confident ka sa tuwing kaharap mo s'ya.


'I like this one, hahahaha. Wala naman akong hiya'


3. Pleasing personality is a must. Kahit na may pagkademonyita ka, itago mo muna. Para naman ma-impress s'ya, ilabas ang acting skills. Kung hindi ka nagbibigay ng pagkain sa mga pulubi, umpisahan mo na.



'Well, mabait naman ako dati pa. Nagpaloko nga ko sa kapatid kong ungas.'



4. Wear your best outfit. Kung babae ka, hindi uso si Maria Clara. Bes, ilabas ang cleavage, ang puwet at balakang ay medyo i-enhance  pero kung wala ka at pandak ka pa. Daanin mo sa landi. Always remember, ang malandi ang s'yang nagwawagi. Kung lalaki ka, magpaka-oppa ka tapos medyo i-flex mo ang muscle mo, tipong kanin na lang ang kulang. Kung hindi mo naman keri, basta ikaw ay funny pwede na. Ang importante may nagawa ka na tatatak sa boss mong choosy.



'Meron ako ng lahat, cleavage, puwet at balakang sasamahan ko pa ng kalandian. Ewan ko na lang talaga kung di pa mahulog sa'kin si Hunter.'


5. Be witty, hindi na uso ang bobo ngayon. Basta may common sense pwede na, kung wala ka non, bumili ka sa National Bookstore baka meron.


'Ang hard naman. Minsan nga makapunta sa National Bookstore baka may mabili ako, ireregalo ko sa kapatid ko. Hahaha'


6. Have a humor. Tipong 'pag may punch line ka dapat magets ni boss, hindi yung nag-joke ka tapos ikaw lang din tatawa. Malay mo dumating sa puntong sayo lang s'ya sasaya.


'So s'ya lang sasaya? P'ano ako? Dapat both. Sabagay pag naging masaya s'ya masaya na rin ako'


7. No to absences. Kahit anong ganap ng kumpanya dapat kasali ka, malay mo chance mo 'yon para mapalapit sa boss mo. Tandaan bawal umabsent, minsan mo na nga lang makita si boss aabsent ka pa?


'Pano kung 'yong boss ang wala? Haist.'

8. If you are close to your boss, ayain mong uminom. Kunwari pantanggal stress chance mo na 'to para gumalaw-galaw.


'Noted'


9. Always have a trust. Gaga, hindi yung condom ah! Kailangan magkaroon ka ng tiwala na kahit may kasama siyang iba wag mong isipin na jowa niya iyon, wag kang advance. Kasi kapag inisip mo na jowa niya 'yon mawawalan ka ng gana tapos ano? Ititigil mo na? Pano kung kamag-anak niya iyon? Hindi porke't gwapo or maganda may jowa na agad malay mo chossy lang sila? Basta tiwala lang na single sila.


'Ako nga maganda walang boyfriend, ang alam ko babaero silang magtotropa pero wala naman silang stable na jowa. Trust lang Cia, walang jowa si Hunter.'


Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon