CHAPTER 5

8.9K 228 6
                                    

Binuksan na ni Cia ang talyer ni Hunter.


" Mang Gino "


Lumingon si Mang Gino kay Cia.


" May sasakyan ba si Hunter na pwedeng ipanghila ng sirang sasakyan? "


Saglit na napaisip si Mang Gino sa sinabi ni Cia.


" Oo, meron. Kaso na kay bossing ang susi. "


" Ahh, okay po. Pero pwede pong tingnan ko kung nasaan? "


" Halika Cia, sundan mo 'ko "


Sumunod si Cia at dinala siya ni Mang Gino sa likod ng talyer at nakita niya ang isang lumang pick-up.


" Saglit lang Mang Gino "


Laking pasasalamat ni Cia na hindi naka-lock ang pintuan ng pick-up kaya agad siyang pumasok. Kinuha niya ang kanyang hair clip at itinusok sa susian ng kotse ngunit wala siyang makapa kaya nilabas niya ang screw at binuksan ang stiring column ng sasakyan. Tiningnan niya kung nasaan ang pulang 'wire' ng sasakyan dahil iyon ang kumukunekta sa 'power' nito at kulay kayumanggi na 'wire' na nakakunekta sa pag-start ng sasakyan.


" Mang Gino pakuha nga po sa loob ng talyer 'yong goma na gloves at pliers. Salamat po "


Umalis si Mang Gino at hinugot ni Cia ang electrical tape sa kanyang bewang. Bumalik si Mang Gino at ibinigay ang kaniyang pinakuha.


Pinutol niya ang dalawang kulay pulang 'wire' at binalatan ito. Tiyaka ito ipinahdikit. Agad namang bumukas ang radyo at iba pa. Ganoon din ang ginawa ni Cia sa kulay kayumangging 'wire' at nag-start agad ang sasakyan.


" Ang galing mo naman pala! "


Hindi makapaniwala si Mang Gino na kaya iyong gawin ni Cia. Kumuha si Cia ng lubid na ipantatali mamaya.


" Mang Gino sakay na. "


Sumakay si Mang Gino sa tabi ng upuan ng driver seat. Binuksan ni Cia ang GPS ng cellphone niya tiyaka tinawagan si U.


" Kuya, nasan ka na? Papunta na 'ko "


" Inaayos ko lang 'tong helicopter. "



" Sige. Bye "


Pinatay ni Cia ang tawag at kinausap si Mang Gino.


" Mang Gino sabihin mo kung nasaan ang bakanteng Lote. "


" Sige. Diretsuhin mo lang. Sa unang kanto kumanan ka. "


Nang makarating sina Cia at Mang Gino sa bakanteng lote ay naghintay sila ng limang minuto bago dumating si U.


" Wag ka ng bumaba Mang Gino. Ako na makikipag-usap. "


Bumaba si Cia t kinausap ang kapatid niyang si U.


" Kuya, salamat "


" Bakit ka nga pala naandito sa La Union? "


Bigla namang kinabahan si Cia sa tanong ng kaniyang kapatid.


" Yung dati kong kaklase nagbukas ng bagong talyer. Sinusuportahan ko lang. Dito muna ako, ayoko sa Manila. Next week aasikasuhin ko ang mga eroplano mo. "


Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon