CHAPTER 27

5.1K 132 6
                                    

Nang makabalik sina Cia at Hunter ay wala ng tao roon. Agad na hinagilap ni Hunter si Phoebe ngunit hindi niya makita.

'Tangina naman.'

Tumakbo si Hunter papalapit sa mga kaibigan niya. Ang lahat ay kumakain at tila'y doon lamang sila nakakain ng masarap na pagkain.

'Mga patay gutom.'

Tuluyan na ngang nakalimutan ni Hunter na kasama niya si Cia at naiwan sa labas.

"Nakita niyo si Phoebe?"

"Ahh, wala na. Pinagpalit ka na, hindi mo ba alam?"

"Anong sinabi mo End?"

Nginuso ni End ang dalang taong nagtatawanan sa bandang kaliwa. Agad na sinundan ng tingin ni Hunter ang ininguso ni End at agad naman naningkit ang kaniyang mga mata. Diretsong naglakad si Hunter at malalaking hakbang ang ginawa niya habang papunta sa kinaroroonan ni Phoebe.

****

Nang umalis sina Hunter at Cia ay dumating si Loki.

"Nasaan si Cia?"

"Nag-usao sila ni Hunter, they want to talk PRIVATELY"

Halata sa boses ni U ang pangangasar. Mapait na ngumiti si Loki tiyaka tiningnan si Phoebe.

"Hintayin na lang natin sila sa loob. Pinapapasok na ng mga guwardiya ang mga nasa labas dahil may sasabihin daw ang duke at dukesa"

"Ahh, sige."

Nagsipasukan ang lahat at nang umupo sa isang mesa ang Quincey ay wala ng natirang upuan para kina Loki at Phoebe kung kaya't bumukod sila ng lamesa.

"Bakit ganyan ang itsura mo ngayon? You are wearing shirtband jeans."

"Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang pupuntahan namin."

"Sa tingin mo ano kaya ang pinag-usapan nilang dalawa?"

"Hindi ko alam."

"Bakit mo hinayaang mag-usap sila?"

"Mali ba ang ginawa ko? Dapat ba pinigilan ko si Hunter?"

"Hindi naman. Tinatanong nga kita kung bakit iyon ang naging desisyon mo."

"Ahh, wala kasi... Wala naman akong magagawa."

"Hindi ka ba nasaktan?"

"Gago, siyempre masakit. Ikaw ba, paano kung magkabalikan sila?"

"Edi wow. Tangina, hindi yon puwede. Tiyaka buntis na si Cia."

"Ha? Buntis na?"

"Pakiramdam ko lang, buntis na siya."

"Paano mo nasabi- Thank you"

Naglapag ang waiter ng makakain at maiinom sa lamesa nina Loki at Phoebe.

"Ano nga ulit sabi mo?"

"Kako, paano mo nasabi na buntis si Cia."

"Alam mo kasi, parang nakakunekta ang nararamdaman ko sa tiyan ni Cia."

"Ano 'yon mother's instinct?"

"Gago, babae pa ako? Father 'yon. Father's instinct."

"Imbento si gago. Hahahah"

Nagtawanan sila, hindi aakalaim ni Loki na magaang kausap si Phoebe. Sumubo ng pagkain si Phoebe at nakita ni Loki na may naiwan sa gilid ng labi at itinuro ito ni Liki ngunit ang kabilang parte ang napunsan ni Phoebe.

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon