CHAPTER 6

8.6K 209 4
                                    

" Gosh! Small world! Nandito din si Hunter, ano gurl ready ka na ba? Ano nangyari nang dumating ang daddy ni Hunter? "

Napairap si Cia sa narinig niyang tanong. Walang ibang gustong gawin si Cia kundi ang umuwi sa Amerika ngunit imbitado siya sa kasal ng kaibigan niyang si Shanon. Umupo si Shanon sa tabi ng kaibigan niyang si Cia.

" Change topic please. Masisira lang araw 'ko. Baka hindi ako dumalo sa kasal niyo ni Johan next week. "

Nasamid si Shanon dahil sa sinabi ni Cia.

" Alam mo namang hindi kami puwedeng ikasal, magkapatid kami gaga! "

" Ha? 'di ba mayroon kayong anak? Jusko naman Cha! Ano namang pumasok sa isip mo sabunutan kaya kita. "

Naguguluhan si Cia sa sinasabi ni Shanon. Magkaibigan sila ni Shanon nawalan lang sila ng komunikasyon dahil pumunta siya noon sa Amerika para mag-aral tapos nalaman niya na nagkaroon ng relasyon si Johan at Shanon pero wala siyang alam na magkapatid sila.

"Oo may anak kami hanggang doon lang 'yon. Parehas kaming nagkamali."

"Akala ko talaga may relasyon kayo ni Johan."

" Wala! Itong sakal sakalan namin eh para kay End at Ley. "

" Ahh, kunwari kayo ni Johan ang ikakasal pero ang totoo sina Ley at kuya End. Pshhh. Lumang style na 'yan. "

Napatawa naman si Shanon sa sinabi ni Cia.

" Cha, be careful baka ikaw talaga ang ikasal hahaha. Sige na, mauna na 'ko. Kita na lang tayo tomorrow. "

Nagbeso si Shanon at Cia tiyaka siya umalis sa condo ng kaibigan niya. Nang papalabas sa building ay nakita niya ang taong minsan niyang minahal.

Taas noo at hindi siya kumurap habang nilalagpasan si Hunter.

" Sandali. "

Ang lahat ng lakas na loob na kanyang inipon ay biglang naglaho. Ang kanyang tuhod ay nanlalambot.

' Bakit kasi hindi puwede? '

' Bakit mo sila pinili? '

' Bakit mas pinili mo ang pagkakaibigan kaysa sa pagmamahal '

' Bakit? '

Saglit na lumunok si Cia tiyaka humarap kay Hunter.

"Bakit?"

Natulala si Cia sa nakita dahil nakatingin lang sa kanya si Hunter habang ang mga luha ng binata ay umaagos.

'Pagkatapos mo 'kong iwan iiyak ka? Bakit? Bakit ngayon pang huli na ang lahat?'

Hindi nagsalita si Hunter at naglakad papalayo si Cia.  Nang mawala si Cia ay agad niyang pinunsan ang luha tiyaka tinawagan si Loki. 

"Tangina mo pre, ang galing ng acting skills ko.  May paiyak-iyak pa kaya sana ayusin mo at gusto kong makita ang matagal ko ng hinahanap. Sorry nga pala sa nangyari noon"

Ngumiti ang kausap ni Hunter bago nagsalita

"Magtiwala ka makikita mo rin siya."

*********

Biglang tumayo si Hunter at nahihiya si Cia sa nasaksihan ng ama ni Hunter.

" It is just an accident "

" Okay son, by the way who is she? "

" Hello, I'm his girlfriend po. Nice to meet you po. "

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon