CHAPTER 8

7.9K 201 14
                                    

Nagising si Hunter habang naka yakap sa kanya si Cia. Sabog ang buhok ng dalaga at nakakalat ito sa kanyang mukha. Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya at inayos ang pusisyon ni Cia. Bahagyang lumihis ang damit ni Cia kaya naman inayos niya ito tiyaka tinitigan ang mukha ni Cia.


Mahabang pilikmata na may kanipisan, hindi gaanong makapal ang kilay tulad ng kanyang kilay, makinis na balat, maliit ngunit matangos na ilong at ang labi ay may kanipisan ngunit medyo makapal ang ibaba ng kanyang labi.


'Such a fine view in the morning, ganito rin kaya siya o mas maganda pa?'


Napangiti si Hunter nang makita niyang sumimangot at bahagyang ngumuso si Cia.


'Dreamin' about me huh?'


Inayos niya ang nakakunot na kilay ng dalaga at hinalikan niya sa noo.


"Kanina pa ko naghihintay na halikan mo ako sa labi, bakit sa noo? Mas masarap bang halikan ang noo ko kaysa sa labi ko?"


Napabalikwas si Hunter nang magsalita si Cia. Para siyang aatakihin sa puso.


"Mukha ka kasi baby kapag natutulog."


" Ano? Gusto mo ng baby? Ang aga Hunter ah, baby agad? Pwedeng asawa muna? Hahaha. "


" Nevermind "


Akmang tatayo na si Hunter nang pigilan siya ni Cia.


" Kiss ko? "


Todo pa-cute si Cia kay Hunter upang pagbigyan siya nito at ang natanggap niya ay isang buntong hininga.


" Edi wala. Hmmp, napakadamot mo. Minsan na nga lang - "


Natigil si Cia nang halikan siya ni Hunter.


" Good morning. "


Dali-daling tumayo si Hunter at pumasok sa banyo. Ni-lock niya ang pinto at sumandal sa pintuan. Hinawakan niya puso niya dahil sa sobrang bilis nito, samantalang tinatangka namang buksan ni Cia ang doorknob ngunit hindi niya mabuksan kaya naman kumatok na lang siya sa pinto.


" Hunter. "


Sinandal ni Cia ang kanyang noo sa pinto.


" Hmmm? "


Ang puso nilang dalawa ay nag-uunahan sa pagtibok, may pinto mang nakaharang sa pagitan nila ngunit ramdam nila ang presensya ng bawat isa.


" Good morning din "


Isinandal ni Hunter ang ulo niya sa pinto nang marinig ang sinabi ni Cia.


' Shet, may sakit nga ako sa puso... Tangina '


" Hunter? "


Pumikit si Hunter sa dahilang maiksi na lang ang kaniyang pisi upang pigilan ang sarili sa pag-angkin sa dalaga.


" Oh? "


Hindi alam ni Cia ang sasabihin ngunit kailangang malaman ito ni Hunter.


" Matagal ka pa ba diyan? "


Isinarado ni Hunter ng mariin ang kanyang kamao.


Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon