EPILOGUE

9.8K 239 40
                                    

Author's note:

Maraming salamat sa inyong lahat. Hindi ko dapat ipopost ang epilogue hanggat hindi ko pa tapos i-edit ang Hunter kaso marami ang nabitin at napagdesisyunan kong mag lagay ng SPECIAL CHAPTER kaya naman siguro yun yung matagal ma-i update dahil aayusin ko muna ang buong HUNTER bago ko i-update ang special chapter. Para hindi kayo sobrang mabitin ito na ang Epilogue.

ENJOY!

-En

******************

Epilogue

"Hindi ako makapaniwalang kasal na tayo"

"Ako rin naman Phoebe. Pangarap lang kita noon, hindi ko alam kung magiging tayo talaga"

"But look at us now."

Itinaas ni Phoebe ang kanyang kamay kung saan nakasuot ang singsing. Nakahiga sila sa isang duyan at matatanaw mo ang dagat mula sa kanilang posisyon. Pinagtagpo ni Hunter ang kamay ni Phoebe sa kamay niya tiyaka niya ito hinawakan ng mahigpit. 

"Sa akin ka lang Phoebe"

"Sa akin ka lang rin Hunt"

Ibinaba ni Hunter ang kamay nilang dalawa sa kanyang puso at ramdam ng dalaga ang bilis ng tibok ng puso ng kanyang asawa.

"Mabilis pa rin ang tibok ng puso mo? Ilang buwan na tayong nagsasama ah"

"Dahil mas ramdam kong buhay ako sa tuwing kasama kita. Kaya huwag na huwag mo akong iiwan, dahil baka bigla na lang tumigil ang tibok ng puso ko at ikamatay ko pa"

"Wushu. Pwet mo"

"Hindi ka talaga marunong sumabay sa sitwasyon Phoebe."

"Paano, chinacharot mo ko."

"Hindi nga... Sa tuwing kasama kita na-e-excite ako."

"Mas ma-e-excite ako kung kakain na tayo"

Napakamot sa batok si Hunter sa isinagot ng kanyang asawa.

"Mukha ka talagang pagkain."

"Aba! Binuntis mo ko tas aarte ka?"

"Hindi naman, nasa moment kasi tayo"

"Anong nasa moment? Hindi mo ba naririnig sinasabi ng baby natin sa tiyan ko?"

"Tanga hindi naman yan nagsasalita"

"Ay, sabagay ako lang siguro nakarinig. Kakaiba kasi yung tibok ng puso niya eh"

Agad na naalarma si Hunter sa sinabi ng kanyang asawa. 

"Tara na sa ospital"

"Rinig kong tibok... Puds puds puds.  Nagugutom na, puds daw"

Agad kinurot ni Hunter ang ilong ng asawa niya. 

"Akala ko kung anong nangyayari kay baby. Pinakaba mo ako, tara na sa labas kain tayo baka marinig mo pa ukit yung tibok ng puso ni baby, sabihin puds"

Dahan dahan umalis sa duyan si Hunter at inalalayan niya si Phoebe papaupo. Lumabas sila sa rest house ni Hunter sa Maldives tiyaka gumala upang makahanap ng restawran na puwede nilang kainan. 

"Dito na lang"

Huminto sila sa isang restawran at pumasok sa loob, si Hunter ang nag-order ngnkanilanh kakainin samantalang si Phoebe ay nilalaro ang batok ni Hunter.  Nang makaalis ang waiter ay agad nagsalita si Hunter. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon