CHAPTER 15

6.2K 133 4
                                    

"Mas madaling matutunang mahalin ang taong mahal ka kaysa ipilit mo ang sarili mo sa taong di ka naman mahal"

-Cia

************

Chapter 15

Buryong-buryo si Vien sa sitwasyon nila ni Hunter.

'Sana uminom na lang ako mag-isa, pagkatapos akong asarin biglang hindi na lang magsasalita. May saltik ata, parehas sila ni boss'

Luminga-linga si Cia at nakita niya ang flat screen T.V kaya naman kinuha niya ang remote. Namili siya ng panunuorin hanggang makita niya na puwede palang ikonekta sa youtube ang T.V. Nagsimula siyang maghanap ng panunuorin hanggang sa maisip niyang kumanta.

'Sakto, hahaha'

Hinanap niya ang mikropono sa lamisita at kinuha iyon tiyaka sinaksak sa likod ng T.V

Pinindot niya ang kanta ng THE JUANS.

"Hindi tayo puwede"

Napairap si Hunter nang basahin ni Vien ang kanta.

'Tangina talaga ng babaeng 'to. Lakas ng trip, gago amputa.'

"Para 'to sa mga taong... Alam nang hindi puwede pero itinuloy pa rin, sa mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana"

"Gago! Ulol!"

Natawa si Vien sa inasal ni Hunter.

<Hindi Tayo Puwede>

By: The Juans

Pilit nating iniwasan

Ganitong mga tanungan

At kahit 'di sigurado

Tinuloy natin ang ating ugnayan

Pinakyu ni Hunter si Vien dahil nakangisi ang dalaga habang kumakanta. Sawakas nakaganti na rin siya sa pangangasar ni Hunter na flat chested siya.

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan

Nagsimula nang magsisihan

Lahat ay parang lumabo

'Di alam kung sa'n tutungo

Nang muli niyang tingnan si Hunter ay nakatingin ang binata sa alak sa lamesa. Pinagmmasdan ni Hunter ang pag-angat ng bula sa iniinom niya. Nagpatuloy kumanta si Vien, may kirot siyang nararamdaman habang pinagmamasdan si Hunter, lubos ang pagkahabag niya sa binata.

Sabi ko na nga ba

Dapat no'ng una pa lamang

'Di na umasa

'Di naniwala

Kitang-kita ni Vien kung paano magpigil ng luha si Hunter, lumagok ng alak si Hunter kasabay ng mariing pagpikit. Lahat ng sakit ay kaniyang nailalabas samahan pa ng masakit na kanta.

'Double kill'

Hindi tayo pwede

Pinagtagpo pero 'di tinadhana

Hindi na posible

Ang mga puso'y huwag nating pahirapan

Suko na sa laban

Hindi tayo pwede

Walang umaagos na luha mula sa mga mata ni Hunter ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang sakit. Hindi namalayan ni Vien ang pagtulo ng kaniyang luha, ang sakit na nararamdaman ni Huntet ay para bang naipapasa sa kaniya. Pinunasan ni Vien ang luha sa pisngi at si Hunter ay napatingin sa kaniya dahil narinig niya ang pagsinghot ni Vien habanh kumakanta. Mapait na ngumiti si Vien sa kanya.

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon