CHAPTER 23

4.9K 123 16
                                    

Nag-alarma ang security ni Hier at agad siyang pumunta sa basement ng kaniyang bahay. Nakita niya na ang isa sa tropa niya ay paalis ng bansa ngunit hindi niya nasisigurado kung sino.  Agad niyang tinawagan ang mga kaibigan niya.

"911"

Lahat ng mga tropa niya ay napahinto at dumiretso sa bahay ni Hier, ang lahat ay nakarating puwera kay End na abala sa kaniyang asawa at kay Blue na nasa Amerika.

"Nasaan si Hunter?"

Nagkatinginan ang lahat tila sinisugurado nila kung wala nga si Hunter.

"Kahapon sinundo si ng mga guwardiya ng pamilya niya"

"Sigurado ka ba Rare na gywardiya iyon ng pamilya nila?"

"Oo naman Hier, siya mismo nagsabi sa akin. Ano ba nangyri."

"Sapilitang inilabas ng bansa si Hunter."

"Ha? Ano?"

"Look."

May pinindot siya at lumabas ang isang monitor at mapa.

"Itong tuldok na gumagalaw ay si Hunter at kulay pula ito, dapat green ang kulay. Diba sa tuwing umaalis tayo nakagawian na nating pindutin ang singsing sa hinliliit natin, para kapag nagkaaberya ay mabilis nating mahahanap ng isa't-isa hanggang sa nakasanayan na natin at kahit magbabakasyon lang o kung ano ang gagawin lagi natin itong pinipindot sa loob ng apat na taon. Nang malaman ko na sanay na tayong lahat, dinagdagan ko ang program ng singsing na kapag hindi napindot ay tutunog ang alarm dito sa bahay."

"Tawagan niyo si Hunter."

"Gago ka ba King. Nasa eroplano si Hunt, hindi natin matatawagan."

"Nag-iisip ka pala Johan."

"Well."

"Ako na bahala."

Napatingin ang lahat kay Hier, alam niya na isang nakasanayan ni Hunter sa tuwing bumabyahe ay mangulit ngunit kung si Hunter lang mag-isa ay madalas itong naka earphone.

Pumunta si Hier s kaniyang computer at inisa-isang i-hack ang buong gamit ni Hunter. Nakita niya na may-isang gumagana kaya pinasok niya ang system ng cellphone ni Hunt.

Samantala habang nasa eroplano at nakikinig si Hunter ng mga tugtugin sa ay bigla na lamang itong huminto at nakarinig siya ng boses

"Yow."

"Hunt, anong lagay mo?"

Agad niyang nabosesan kung sino.

'Si Hier, mga kups talaga.'

"Fine"

Napatingin sa kaniya ng kaniyang ina.

"Hunt, may kausap ka ba?"

"Wala naman. I said that, I hope this day would be fine."

"Ahh."

Lingid sa in a ni Hier pagsisinungaling niya.

"Ano ba nangyari? Bakit ka umalis ng Pinas?"

Hindi agad sumagot si Hier at nag-isip ng plano kung paano masasagot si Hier nang hindi nabubuko ng kanyang ina.

"Mom,you're decision is final right? Talagang ipapakasal mo ako sa iba."

"Yup, I'm sorry Hunt but you need to take your responsibility for our country."

Napasinghap ang kaibigan niya sa hindi nila inaasahang balita.

"Tangina mo talaga, paano na ang agent ko? Kailan ba kasal niyo?"

Fucker Series #3: HUNTER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon