Chapter 2 - Malikmata

46 10 2
                                    

*** Salamat sa patuloy na pagbabasa! God bless u guys! 💋💋💋****

* * * *

"AMETHYST!" naka nganga, sa gulat sa mga nakikita ay di na nagawa pang lingunin ni Amethyst ang kuya na pilit shang inaalog alog habang hawak ng isang kamay ang gitara.

Para bang wala shang naririnig.

Nakatulala sha at di makapaniwala sa nakikita ng mga mata. Ang bibig naka bukas, mata niya nanlalaki at mga kamay nana natiling naka taas sa ere na ka lebel ng mata.

Ang mga plorera, upuan, bulaklak, sash at kung ano ano pang di kabigatang gamit ay nag lulutangan sa ere.

Gulat na gulat hindi lang mga viewers kundi lalo na si Amethyst. Tahimik ang lahat at naka tulala sa mga gamit na nasa ere.

Walang ano ano biglang tumayo si Lhouiggy sa pagkaka upo at mabilis na hinablot pababa ang kamay ni Amethyst.

Kasabay ng biglang pagbaba ng kamay nya'y siya rin mismong biglang paghulog ng mga gamit na kanina animo'y nasa kalawakan at walang gravity na nakalutang sila.

Sari-saring sigawan, tago at takbuhan sa kanya kanyang direksyon. Ang iba'y tinamaan ng mga gamit na nahulog ang iba'y naka ilag. Ang iba nagtititili, nakatulala gulantang sa mga nangyayari.

Nang mahimasmasan si Amethyst na kanina pa hinahatak ni Lhouiggy ay huli na.

Naka titig lahat sakanila.
Walang kurap mata.
Mga matang nang uusig.
Nagtatanong.

Ng di padin mapawi sa pagka gulat si Amethyst ay lalong linakasan ni Lhouiggy ang pag aalog sakaniya kasama na ng isa pang di niya malaman kung sino dahil naka tulala pa siya.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now