Chapter 17 - Top 1

13 2 0
                                    


Dinilat nya ang mga mata dahan dahan habang inuubo padin. Tumingin sha sa taas at nakita nyang gumagalaw ang mga nakikita nya.

Gumagalaw ang ceiling ng kastilyo? Napipikit pa ang mga mata nya pero pinilit idilat. May naamoy shang mabango at may nakikita shang itim na tila ba buhok. Kahit blurred ang lahat ay pilit padin nyang inabot. Nagulat nalang sha ng biglang may humawak sa mga kamay nya pumigil sakanya.

Nun lang nag sink in sakanya. Hindi gumagalaw ang ceiling kundi sha mismo ang gumagalaw. May nag bubuhat sakanya kaya't dali dali shang nataranta at gustong bumaba.

"Wag kang malikot. Di ka magaan," walang kaemo-emosyon at parang walang pakealam ang tinig nito. In an instant tumigil sha sa pag pupumilit bumaba at napa kapit nalang sa robe nito, "humawak ka sa akin kung ayaw mo mahulog," nag aalangan man si Amethyst ay walang nagawa at naghanap ng makakapitan. At ng walang makita ay napilitang mapa kapit sa leeg nito.

Sa ganitong sitwasyon nagsi tinginan ang mga nasa likod nila.

Ang iba'y kinilig lalo na sila Mitzy, Deedith at Crysthal.

Ang iba naman ay naningkit ang mga mata kasama na sina Emmanuel at Marquee na pawang nagkakagusto yata kay Amethyst. Malamang lalong lalo na si Charlemaign na nagkuom ng mga kamay.

"Kuya," napansin ito ni Crysthal, "kuya ano kaba! Chill. Nagkagusto ka sa Ultimate Crush ng Bayan at alam mo yun! So be a sport," naka ngiti padin ito sakanya habang naglalakad takbo na gaya ng lahat, "isa pa ikaw ang besfriend nya so lamang pogi points ka jan shempre kuya," sumabit pa sha sa mga braso nito at pinilit tanggalin ang naka kuom na palad.

Di nga nagtagal ay naka abot sila sa clinic at duon pinahiga din sina Emmanuel, Mitzy, Marquee at Lhouiggy para matignan kung may kailangan pang gamutin sakanila.

Si Amethyst naman ay agad na ibinaba ni Dhean sa higaan nito.

"Nasisiraan ka na ba?" Nagulat ang lahat sa sigaw ni Dhean.

"Pasen--"

"Balak mo bang ipa hamak ang mga studyante dito dahil sa katigasan ng ulo mo?"

"Pero hindi ko naman po sinasad---"

"Tignan mo kung gaano kadami ang napahamak ng dahil sa kagagawan mo? Andami nyong naka higa dito oh! Gusto mo na bang magpakamatay? Pwes wag ka mandamay!"

"Teka! Teka nga Maharlika Dhean," nakaramdam ng pagkairita si Amethyst na bahagyang umupo sa kama, "kung po sanang hinahayaan mo ako magpaliwang edi sana ---"

"Para saan pa?! At paano kung may masamang nangyari sayo? O sainyo nag iisip ka pa ba?! "

"Eh bakit kasi----" wala eh. Di talaga maka singit si Amethyst sa mga talak ni Dhean.

"Manahimik ka! Humiga ka at wag kang aalis dito hanggat walang nagsasabi sayong umalis ka! Nang sa gayon, wala kang taong napapahamak!" galit na galit padin si Dhean.

"Grabe naman po ---"

"Lavendre Amethyst Castro, tumigil kana!" Pumagitna na si Periwinkle sa pagsasagutan ng dalawa, "Maharlika Dhean, paumanhin po," sabay nyang yuko "maraming salamat po sa pagtulong nyo ako na po ang bahala dito. Ako na po ang kakausap sakanya," yun lang at tumalikod na si Dhean ng padabog palabas ng clinic at sha namang pasok ng mga healer na gagamot kina Mitzy at sa iba pa.

"Hindi ka dapat sumasagot ng ganoon sakanya Amethyst," si Primrose na mahinhing umupo sa upuan sa tabi ni Amethyst.

"Ate didn't you saw?" Hindi makapaniwala si Amethyst na hindi sha ang kinakampihan nito, "ni hindi manlang nya ako hinayaang magpaliwanag! Di ko naman ginusto na may mangyaring ganito ah??"

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now