Chapter 22 - Suspects

8 1 0
                                    

"Aba ang isa eh yung nobyo nya dahil yun ang huling nakitang kasama nya. Yung isa naman regular nyang costumer na naging parang obese sakanya,"

"Tita, OBSESSED po yun hindi obese," natatawa pa si Tessa.

"O sha sha pareho lang yun, tapos ang pinaka huli ay ang mismong manager nila jan," bahagya pa shang bumulong na para bang may ibang makakarinig sakanila kahit na apat lang sila doon.

"Bakit ka po bumubulong ate?" Pasimple shang nag labas ng wallet at akmang magbabayad.

"Naku wirdo yang manager nila jan. Parang laging umaalis yung mga babae jan. Tapos di pa yun lumalabas pag araw. Gabi lang. Parang bampira ganun," sabay pa nilang tawanan.

"Kunsabagay baka nga bampira yan," nagtatawa si Tessa, "aba ibang klase pagkamatay ni Alexis. Ang usap usapan, wala na daw shang dugo at parang natuyot," napahinto si Amethyst sa sinabi ng kausap. Nag madali shang magpaalam, nagbayad, nagpasalamat at umalis na.

Naghanap sha ng isang eskinita na wala gaanong tao sa malapit, inilabas ang wand at nagpalit na ng anyo. Wala na shang wig ngayon at pinusod na nya ng magulo ang buhok nya. Nag bago din ang contact lenses nya kung kanina ay brown ngayon ay black na at sa turo nadin ni Ehmerald, nilagyan nila ito ng spell na makaka pag adjust sa grado ng malabo nyang mata. Kumapal din ang kilay nya at wala sha gaanong make up. May malaki shang nunal sa kanang pisngi at naka braces din sha. Pati damit nya ay naging loose shirt at mahabang palda. At may bitbit na mga libro at makakapal na salamin. Mukha shang matandang manang haha.

" . . . oo naku! Napaka gandang bata tapos ganoon lang ang ginawa nila mga hayop talaga!" Pag pasok palang nya ay naririnig na nyang nag uusap ang isang lalaki na naka apron din, at dalawang babaeng mukhang mga waitress.

"Anong sayo iha?" Sabi ng isang babaeng malapad ang ngiti at bumalik sa upuan nya sa harapan ng cashier.

"Ahm isang leche flan po at isang buko juice," maalat ang nakain nya kanina kaya napili nyang medyo matamis nalang ang bilhin.

"Kaya kayo naku magsi lock na kayo ng maaga pag umalis na ako dito. Iba na ang panahon ngayon naku! Karumaldumal na ang mga patayan dito," Hanggang dito pala sa kabilang karinderya ay mukhang mainit init pa din ang topic ng patayan sa bar.

"May namatay po dito kuya?" pasimpleng sabat nya.

"Ah hindi dito iha. Jan sa bar sa kabila. Pangatlo na nga yan eh, sa loob ng dalawang taon," nagulat sha sa sinabi ng lalaki.

"Pangatlo po? Tatlo na po ang namamatay jan?" Di nya gaanong pinahalata na interesado sha, more on natatakot ang tono nya.

"Naku oo parang every 7-8 months may namamatay talaga jan. Lahat ng yun mga babaeng bokalista ng banda," sagot ng isang babaeng maganda na bata pa ang may dala ng tray at nagsilbi ng pagkain na inorder nya.

"Pero ganun pa man di makapag sarado yan ng tuluyan. Napaka rami kasi nilang costumer. Magaganda at gwapo kasi at mga bata pa ang mga waitress at waiters nila jan," sabi ng babaeng cashier.

"Naku nakakatakot po pala dito. Di po ba kayo natatakot?" Kunwari'y pag iiba ni Amethyst ng topic.

" naku natatakot shempre pero minana pa namin tong pwesto sa magulang ko. Alangan pabayaan ko at magrenta pa ako sa iba sayang din," sabi ng lalaki.

"Pero alam mo madalas bago sila sumabak sa kantahan, yung dalawa, dito sila madalas mag meryenda. Si Alexis yung pinaka huling namatay naku! Napaka gandang bata," sabi ng may katabaang serbidora habang nag aabot ng tissue sakanya.

"Oo pati yung isa, si Maxine. Medyo mataray pero mabait naman kahit mukhang wirdo,"

"Wirdo po?" yun nanaman ang narinig nya, ang salitang wirdo.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now