Chapter 20 - Nakalipas

9 1 0
                                    

"Sabihin mo na, malalaman din nila," nilingon ni Ehmerald si Pierre.

"Pano ko ba uumpisahan?" Humawak pa si Pierre sa baba nya at nag isip, "sige bigyan ko muna kayo ng Quick History natin. Malamang nasabi naman na sainyo ang tungkol kay Helleanah(Heleyna) diba? Sha kasi kadalasan ang may kagagawan ng mga karumal dumal na mga pagnanakaw, pagpatay, droga sa mga tao. At ang mga kakampi natin o katulad natin nagkalat na yan sa mundo ng mga tao, para hindi tayo mahirapan gumalaw pag nasa baba na tayo. Mga pulis, NBI, SWAT, SOCO, may mga nasa palasyo panga at sangay ng gobyerno, mga cooks, nurses, doctor, minsan pa normal lang na nakiki halobilo gaya ng mga tao at kung ano ano pa," naglalakad na sila ngayon sa Isang mahabang hallway.

"Talaga? Wow ang galing pala," kumanan sila ulit sa isang pasilyo.

"Tapos? Ano kinalaman natin doon?" Si Amethyst na di makapag antay, "may mga katulad pala natin sa gobyerno eh bakit hanggang ngayon corrupt padin at ang daming tiwali?" Naka kunot ang noo nya.

"Naku di pa natin masasagot sa ngayon yan. Tapos ginagamit natin ang mga elemento natin para makatulong sa mga krimen at misteryo na hindi na kaya ng mga tao. Kaya kadalasan talagang mahihirap na 'yon. Minsan buwis buhay nadin,"

"Huh? Diba nakakatakot 'yon Ehmz?" Si Mitzy na napa hawak sa braso ni Ehmerald.

"Mas nakakatakot pag sha na mismo ang naka harap natin. Wala shang sinasanto. Lalo na pag ang elemento mo nagustuhan nya? Chak kukunin ka nya at gagawing manika nya," walang sawa si Pierre sa pag bati at ngiti sa mga nakaka salubong nila na pawang mga kinikilig pa nga.

"Manika?"

"Oo manika nya. Rumor has it na madalas di nya pinapatay ang mga biktima nyang witch o wiz. Kinukuha lang nya ang elemento nito at ang memorya ay nilalagay sa taguan at magiging kanya na ang katawang lupa ng biktima. Utusan, ganun. Faithful servant," kibit balikat ni Ehmerald.

"Madalas kamo di nya pinapatay? Ibig sabihin ay may napatay na sha?"

"Yup. Mashado ng marami hindi na mabilang," bigla nalang nagpa lingon lingon si Pierre sa paligid sabay pumagitna kay Amethyst at Mitzy.

Nakilala nyo na nang nakaraang araw si Señor Elizalde? Nag uusap sila telepathic way bilang sensitive daw ang topic nila at mga Lila lang ang nakaka alam nito.

Oo. Magkasabay pa silang sumagot.

Sha ang totoong may ari ng academy na toh.

Ano? Eh bakit hindi sha ang---

Para protektahan ang Academy. Hindi din yan ang totoong mukha nya. Prosthetics ang kilay, buhok at ilong nya. Nakita ni Pierre ang pagka gulat ng dalawa pero tinuloy padin nya. Thirty three years ago, ng magkakilala sila ni Helleanah sa misyon. Galing sa Kadiliman si Helleanah dahil di nya pa kayang kontrolin ang elemento nya gaano at madalas pag ginamit nya ito ay nakaka sakit sha ng mga kasama. Si Señor naman ay nasa Lila. Buhat nga noon ay lagi na silang magkasama. Si Helleanah ang pinaka maganda sa henerasyon nila noon at si Señor naman na anak ng may ari ng academiya ay ang pinaka makisig, pinaka sikat pinaka gwapo at magaling noon. Marami ang naiinggit kay Helleanah sapagkat sha ang pinaka malakas na witch dahil sa elemento nya, napaka ganda pa niya at ubod ng talino. Talaga ngang bagay daw sila ni Señor Elizalde dahil ito naman ang pinaka gwapo sa mga kalalakihan noon. Napahinto si Pierre sa pag tetelepathy dahil may nakasalubong silang ilang mga guro pag pasok sa main building.

Magkasama sila lagi ng halos anim na taon at señior na sila. Pinagpatuloy na ni Ehmerald ang pag kukwento. Pareho na silang nasa Lila. Hanggang sa huling taon na nga nila ay dumating si Christina Estrada mula sa pag aaral sa ibang bansa. Mas matalino, mas maganda, pareho sila ng elemento ni Helleanah at higit sa lahat, napaka bait pa nito. Hindi sinasadyang nabaling ang atenshon ng señor kay Christina at nanatiling matalik nalang na kaibigan si Helleanah. Lumabas na sila ng main building at pag daan sa napaka lawak na garden na una nilang nakita ng unang beses silang maka tapak sa Musikalya, ay malaya na silang nakapag kwentuhan pag labas sa dambuhalang gate.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now