Chapter 13 - Kaarawan

6 1 0
                                    

6:00 p.m.
Lahat nagmamadali at nag kukumahog sa mga costumes at make up. 6:30 ang start ng semi - elimination round o unang tanggalan sa Paligsahan.

Katatapos lang maligo ng lahat at naka bihis na sila dahil pang 5 sila sa mag peperform base sa nabunot nila ng mag palabunutan lahat ng grupong kasali. Pwera si Amethyst. Matagal nga itong kumilos at sha nalang ang di pa nag bibihis.

"Hey anong plano mo?" Si Mitzy na naka pamewang suot ang stateside nyang blue dress, na punong puno ng sequins at tinernuhan din ng blue gloves. Bawal ang lantad na lantad ang legs o dibdib kaya kahit short dress ang suot ay nilagyan padin nila ng manipis na stockings.

Girly ang theme nila ngaun kaya posturang postura at naka make up ang lahat.

Hindi nanaman makapili ng susuotin si Amethyst kaya tinulungan na sha ng mga kasama para mapabilis. Stand out na stand out nanaman ang beauty nya matapos makapili si Mitzy ng susuotin niya ay agad na nilang inayusan ito.

Palabas na sana sila at nag dadasal nalang para sa kanilang magiging performance ng may biglang kumatok at pumasok na mga señior. Kasunod nito ay si Fatima na umiirap sa mga nasa harapan at ang mga ka grupong lalaki kasama na sina Nhoell na nag uunahan at nag susumiksik sa may pintuan matanaw lang ang mga babae.

Nagtinginan sila Mitzy at palihim na nagtawanan.

"Kayo nalang ang wala sa hanay ng mga magpapaligsahan. Kung pwede ay magsi babaan na kayo," yun lang ang sinabi ng isang tila ba naiinis na babae at umalis na din sila.

Magkakasabay silang nag mamadaling bumaba habang akay ng mga lalaki ang mga babae.

Ang first 5 groups ay nasa likod ng backstage kabilang sila dito habang ninenerbyos na pinapanood ang performance ng unang grupo.

"Ang gagaling nila," si Crysthal napapailing habang sumusulyap sa pangatlong nag peperform. May mga dancers din kasi sila na para bang nag iinterpret ng kanta ng grupo kaya lalong naging interesting.

"Ano kaba! Magaling din naman tayo hindi ba? kaya natin 'to!" Si Lhouiggy as usual ay laging positive at pinapalakas ang loob ng pinsan.

Uli ay nagdasal sila ng maikli ng patapos na ang pang apat na contestant, at kasabay nga nito ay tinawag na sila mula sa back stage.

Nasa gitna si Amethyst at Mitzy ng muling magbukas ang stage curtain. Isang love song na kasalukuyang sikat sa mga kabataan ang napili nilang kantahin kaya't naka yuko sila at nag aantay ng tamang time para unti unti sanang i-angat ang ulo nila kasabay nadin sa tono ng kanta nila.

Ngunit si Amethyst.

Si Amethyst unti unting nahirapan huminga.

Habang nakayuko ay sinisilip ang mga tao.

May mga ala alang muling nagbabalik.

Ang ala ala mula sa pinang galingang skwelahan.

Ang naging kaguluhan.

Ang pagtatakbuhan ng mga tao.

Sa paningin nya ay nakikita nya ang mga studyante at mangilan ngilang teachers na galit na galit sakanya. Mga matang nanlilisik at maya maya pa'y binabato na sha ng kung ano anong mga maliliit na bagay.

Tinititigan na sha at sinisiko ni Mitzy.

Pero tuloy padin ang pag babato sakanya ng mga ito ng mga nilukot na papel at kung ano ano.

"Yze!" Si Mitzy nag aalala pagkat si Amethyst ang unang kakanta sa first lines ng kanta nila.

Sha naman ay patuloy sa pag ilag at pag yuko.

"Yze! Ano bang nangyayari sayo?" Bulong siko na ni Mitzy, "ikaw na huy!"

Inulit nalang nila Charlemagne ang intro ng kanta ng senyasan ni Mitzy.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now