Chapter 24 - May Kakaiba

9 1 0
                                    


"Nasaan si Izee?" Narinig nyang sabi ni Laurence na naka tingin din sa tinitignan niya.

"Ah, baka umihi lang," mahinahon sha at umastang balewala pero deep inside dumadagundong na ng mabilis na tibok ng puso nya.

Nagpalinga linga sha at mabilis na sinuyod ang audience na parang aabot sa isang daan pero ni anino ni Amethyst ay di nya naaninag. Sa gitna ng madilim at halos patay sindi at iba't ibang kulay ng ilaw ay pinilit nyang hanapin ang kahit dulo lang ng buhok nito.

Pero no success.

Bumaba na sha ng stage pasimple habang may 15 minute break sha at dun nya nakita ang pamilyar na black leather palda at long hair na papunta sa hagdan paakyat sa taas na may overview ng buong first floor. May kasunod itong lalaki na naka black hooded jacket at agad kumunot ang noo nya at lalong kumabog ang dibdib.

Ulit, pasimple nyang nilingon ang mga kabanda at ng busy naman sila sa pani igarilyo at pag papahinga ay agad shang naglakad papunta sa kinatutunguhan ng babae at lalaking naka hood.

Nanlaki ang mga mata nya ng mawala ang mga ito sa paningin nya. Mabilis shang umakyat at pinilit na hanapin ng mabilis ang dalawa.

Nakita nya ang babae na naglalakad at napahinto ito bigla. Bigla ding huminto ang lalaki na di nalalayo dito ganun din sha.

Mabilis na naglakad si Dhean papunta sa dalawa at agad na hinablot ang kamay ng babae.

Lumingon agad ito na may pagtataka at pagkagulat sa mata at agad na bumitiw si Dhean ng makita ang mukha nito.

Hindi ito si Amethyst.

Maging ang lalaki ay isang binatilyo na mukhang under age kaya naiintindihan na nya kung bakit ito naka hood at palinga linga. Bawal ang mga below 18 sa kanilang bar.

"Pasensha na," mabilis nalang nyang sabi sabay talikod sakanila. Huminga sha ng malalim at mula nga sa second floor ay tinanaw nya ang grills para makita ng buo ang first floor.

Naisip nyang punatahan ang quarters nila dahil baka nag c.r. lang ito or nagpapahinga sa dressing room.

Di nya malaman ang magiging reakshon. Ang unang iisipin. Nilingon nya ulit ang sofa kung saan ito nakaupo lang kanina pero wala pading tao dito.

Paikot ikot nanaman ang mga mata niya sa gitna ng patay sinding ilaw at mga taong nagsasayawan sa gitna.

Malapit na sha sa quarters nila at pupuntahan sana ang c.r. nila ng bigla nalang . . .

"AAAAAAAH!" napahinto sha sa paglalakad. Nakaka binging sigaw ang narinig niya at malayo na sha sa mga nag kukumpulang tao. Mabilis shang lumingon sa pinanggalingan nito. Wala na shang ibang nakitang tao maliban nalang kay Abe na mabilis ding tunakbo mula sa likuran nya at si Monica na mukhang nag papahinga sa dressing room ay dumungaw din mula sa pintuan nito.

"Ano yon?" Sulpot ng matipunong si Abe sa tabi nya.

"Hindi ko nga alam. Tara," nagpauna na sha pumasok sa quarters.

"Parang galing sa bathroom ah?" Labas nadin ng mukhang taga peryang si Monica sa sobrang kapal ng make up.

"May tao ba jan?" Nagmamadali ang mga katok ni Dhean dahil naka lock ang pinto ng c.r. na di naman madalas mangyari, "Izee, Love? Ikaw ba yan? Open up!" Mas nilakasan nya ang pag katok ng walang sumagot sa una nyang katok.

"Sino naanjan? Ano nangyari? Ms. Izee?" Nakiki katok nadin ang nag aalalang si Abe, "Nic, kunin mo ang susi sa counter," utos nya kay Monica habang halos magiba na ang pinto sa lakas ng mga katok nila ni Dhean.

Isang mahinang ungol lang ang narinig nila kaya lalong nagmadali at lumakas ang mga katok na ginawa nila ng biglang dumating si Monica dala ang susi at dali daling binuksan ang bathroom door.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now