Chapter 29 - Dibersyon

3 0 0
                                    

Hi Guys! How's my story going? Haha please feel free to comment! Love you all😘😘😘

Takip takip ang bibig ko at tila ba parang naka posas ako sa likod sa higpit ng pagkaka hawak nya saakin habang halos di na ako maka lakad patalikod kaya nagpumiglas ako lalo na ng makarating kami sa isang lagusan na walang kahit na sino ang nandoon.

"Ano ba! Ano kaba!" Ng makawala ako ay pilit akong humarap sakanya at bahagya pa akong nagulat sa ichura nya. May pangil din sha pero di gaanong mahaba tapOs ay nakatago sa loob ng bibig nya at hindi mapupula ang mga mata nya. May koronang manipis sha na may batO sa gitna, mahaba ang mga buhok nyang Tila walang suklay at mukha shang importanteng tao pero kapansin pansin ang kaputlaan niya.

Isa shang bampira!

Ito na ba ang katapusan ko?

Papatayin na nya ako dito?

"Kung ano man ang pangalan mo, dito kalang. Di ka pwedeng makipag laban doon naintindihan mo ba?" Napaka lapit ng mukha nya sakin at kakaiba ang pananamit niya. Maikukumpara ko ito sa parang Reyna nila na sa malamang ay si Ella. Napaka guwapo niya at mukha shang maamo di katulad ng iba na ang tingin lang saakin ay tila ba pagkain.

"A-at sino ka naman h-ha? Para sundin ko? Umalis ka nga sa harapan ko?!" Hindi ako dapat madala sa kakaiba nyang ichura. He is intimidating but he might kill me any sooner kaya dapat defensive ako kaya tinulak ko sha ng madiin at malakas pero nagulat ako sa init na nanggagaling sa katawan nya na tumatagos na nga sa makapal nyang suit na halos mapaso pa nga ako. Pero hindi manlang sha natinag.

 Pero hindi manlang sha natinag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-ako si Vladimir. Makinig ka sakin dahil hindi pwedeng . . . madampian ng. . . ng dugo mo ang patalim na iyon. Kundi . . . kundi ay magtatagumpay si-sila," humihingal sha at tila napipikit na kaya nagtaka nalang ako pero patuloy padin akong nakinig, "ang dugo mo. . . ang dugo mo ang susi sa habang . . . habang buhay nilang pagkabuhay . . . a-at ang katawan mo ay . . . ay ibibigay sa . . . sa . . ." at tuluyan na shang bumagsak sa harapan ko at sinalo ko ang mabigat at nakaka paso niyang katawan pero hindi ko kinaya ang init na nanggagaling sa katawan nya kaya't nabitawan ko din sha.

Ngayon ay ihiniga ko ang ulo niya sa may hita ko na pinatungan ko ng robe nya para di ako mapaso at tinitigan ko ang mala anghel nyang mukha. Inisip ko ang sinabi niya at napaisip nga ako. Kaya pala hinila nya ako dito ay dahil sa ayaw nya akong lumaban doon. Pero bakit? Hindi nga ba na bampira siya? Kaisa nila sha? Ano ba ang balak niya?

Napa lingon ako sa pinanggalingan namin at sa lakas ng hiyawan at kalabugan ng mga humahampas na mga kung ano ano sa dingding ng kweba ay napa pikit nalang ako. Naisin ko man silang tulungan ay may pumipigil saakin na iwan ang lalaking ito. Di ko man alam kung bakit at ano ay sinunod ko ang instincts ko. Sinubukan ko silang kausapin telepathically at ilan naman sakanila ay agad na sumagot at tinuro ko nadin kung nasaan ako.

Halos kalahating oras pa ako nanatili doon at naghihintay ng maka rinig ako ng pag hinto ng kalabugan at ingay finally.

Nagulat pa ako ng bumungad saakin sa wakas sila Marquee, Ehmerald, at Fransesca na kapwa mga sugatan at si Dhean na ni wala manlang sugat maliban sa maliit na galos sa kanang pisngi. Hawak niya ang punyal na ninais saaking isaksak kanina ni Ella.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now