Chapter 11 - Dhean

21 9 0
                                    


Hindi nila malaman kung paanong nagkasha ang ganoong kadaming tao sa loob ng one storey room na iyon, na kadugtong din ng pinanggalingan nila kani kanina lang.

Nagtinginan sila Amethyst at Mitzy na magkahawak kamay. Sabay pa nilang nilingon ulit ang labasan ng bulwagan. Malaki ito pero di hamak na mas malaki pa ito sa loob. Halos nasa dulo na ng kastilyo pero kung titignan mula sa loob ay parang wala na itong dulo dahil sa sobrang lawak nito.

Hindi lalampas sa halos isang daan at kalahati ang mga kabataan na may kanya kanyang grupo ang nandodoon sa malawak na bulwagan na napupuno ng mga floating huge native lanters sa ceiling na parang gawa sa mga bulaklak. Meron silang pinegbenga festival sa loob ng bulwagan!

"Ito ang Bulwagan. Dito madalas nag kaka kilanlan ang mga bagong kagaya nyo," naglakad na si Esteban kasunod nila na pinag mamasdan ang iba't ibang grupo ng mang aawit at mananayaw na nagkaka tuwaan.

"Maiwan ko muna kayo rito," matapos silang ipakilala sa ilang mga senior students na shang magiging tagasubaybay nila dito ay umalis na si Esteban.

"Kamusta? Ako si Deedith, galing ako sa kulay Kadiliman," bati ng isang matangkad at payat na babae na sa tancha nila ay nasa 15-16 years old na. Very short ang hair nya na parang boy's cut. Hindi sha kaputian pero maamo ang mukha nya at mukha shang mabait, "eto si Fatima, naka babata kong kapatid mula sa Rosas," si Fatima ay matangkad rin at may long curly brown hair. Kung titignan ay mas cute ito at attractive kumpara sa ate nya. Mukhang mahiyain pero nakangiti ito na lalong nagpatingkad ng ka cute-an nya,  "at si Nhoell mula sa kulay Sampaguita," ngumiti bahagya ang lalaking may magulo at mahabang buhok na nakatali pa nga. Katamtaman ang katawan nya at maputi. May hikaw sha sa kanang tenga at mukha shang pilyo. Yung tipong laging may kalokohan sa utak. Nag abot ng kamay si Nhoell sakanila.

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Mukha shang maloko at makulit

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Mukha shang maloko at makulit. Naisip ni Amethyst.

 Naisip ni Amethyst

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
Si Amethyst Ang Purple WitchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora