Chapter 10 - Musikalya Bahaghari Academy

18 9 0
                                    

Yey! Chapter 10 na tau guys!👌👌👌😘😘 Ano ano kaya ang makikita nila sa Musikalya? Ano kaya ang ichura nito? Sino sino ang mga bago nilang makaka sama? Ano ang misteryo sa likod ng mga kakaibang kinikilos ng mga witches and wizards? Sabay sabay po natin alamin . . .😊

"It's . . . It's breath taking . . . " Si Amethyst na manghang mangha sa nakikita, nag niningning ang mga mata.

Nasa gitna na sila mismo, sa tuktok ng bahaghari ngayon na napapalibutan ng mas makakapal na ulap. Bumulaga sakanila ang napaka lapad na ulap at sa itaas noon ay ang Musikalya. Para silang nasa fairytale.

Napaka laking kastilyo nito. Katumbas halos ng dalawang bayang nadaanan nila kanina. Napa lilibutan ng napaka tataas na maka lumang bricks na nagsisilbing bakod nito. May patusok tusok sa mga bakod nito at may mga bandera ng kulay ng mga bahaghari sa bawat dulo ng naglalakihang poste na halos di na matanaw ang dulo.

"Oh . . . My. . .," Si Mitzy, "I've never seen something like this before. . . Such a beautiful sight," nag si yukuan sila habang mabilis na lumipad pataas ang mga Unicorns. Huminto ngayon ang mga ito sa taas mismo ng Musikalya. Ngayon ay mas tanaw na tanaw nila ang kagandahan at kalakihan nito.

"Let's go," sila Scarlett na sa paningin nila ay lumiit. Bumaba sha sa kanyang walis sa harapan ng napaka laking double door gate na napalilibutan ng parang magic sphere ang antigong golden grills at purong metal. Luma ito ngunit napaka ganda padin.

Nagsi sunudan sila at bumaba narin mula sa mga Unicorns. Ngayon ay di na nila halos matanaw ang dulo ng mga gate mula sa baba nito. Napaka taas, at kumikinang sa sinag ng araw.

"Maligayang pagdating sa Musikalya Bahaghari Academy," nagulat sila sa nagsalitang boses ng babae. Parang galing ito sa loob ng academy pero parang galing din sa mismong utak nila.

Bigla ay dahan dahang bumukas ang dambuhalang gate at tumunog ang ingit ng kalumaan nito. Direderecho sila sa napaka habang daanan na napapaligiran ng mga halaman na may ibat ibang kulay ng bulaklak at mukhang alagang alaga at korteng bilog. Lalo pa silang namangha sa kaliwat kanang mga sculputred trees na may mga korte. May mga korteng kabayo, ang iba ay elepante, may mga puso, at meron ding mga korteng wizards at witches na kumakaway sakanila. Ang iba ay yumuyuko bilang pag galang sa mga bagong dating na gaya nila.

Bahagya pa silang natawa sa elepante na kumakaway ang mahabang nguso. Napaka raming bulaklak sa mga puno at sari saring samyo ng mga bango nito ang nalalanghap nila.

"It's like a dream!" Si Crysthal na hinimas himas pa ang korteng aso na puno na kumaway kaway pa ang buntot at umikot ikot.

Halos di nila matanaw ang dulo ng dinadaanan sa sobrang haba nito. Malinis ang paligid kahit na sobrang laki ay alam mong alagang alaga.

"Nagustuhan nyo ba?" Si Gerard na kahit na maraming taon ang inilagi sa academy at sanay na dito ay naa amaze padin sa magical beauty nito.

"Ay opo! Grabe ang ganda!" Si Lhouiggy na naka tingin sa taas, sa napaka raming ibon na lumilipad at kumakanta kung saan saan.

"I can live here forever," si Charlemaign na pipitas sana ng isa sa kumpol ng large blue flower na ngayon lang nya nakita at gandang ganda sha dito.

"Ah, ah, ah," si Scarlett na inawat ang pamangkin, "that's a no, no. Bawal na bawal dito ang pagpitas ng kahit na anong klase ng halaman, kahit prutas pa. Pwera nalang pag anihan na," pag hatak nya kay Charlemaign na naka tingin padin sa bughaw na bulaklak.

"But . . . It's beautiful!" Nguso nya.

"Marami ang patakaran sa paaralang ito. Pag bawal, bawal," naka ngiti si Aqua, "mga projects yan ng mga studyante dito. May bilang yan bawat isa. Mapapahamak ang may ari nyan kawawa naman,"

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now