Chapter 26 - Hinala

3 1 0
                                    

Ng gabing iyon ay may importanteng bisita ang bar nila. Noong pangalawang gabi nila ay di hamak mas marami ang costumers nila kesa sa unang gabi ng work nila sa bar. Ngayon ay mas mukhang dumoble pa ang mga tao dahil may isang babaeng nagpa reserve ng two floors bar nila. Mukhang napaka importante ng customer nilang iyon dahil andami at kakaiba ang bisitang mga dala nyA. Ngayon ay punong puno ang bar. At ang theme ng birthday celebrant? Vampires.

Bakit ganyan ang ichura nila Maharlika? Parang di ko maintindihan kung make up lang ba talaga? Ang galing ng prosthetics pero . . . Parang may di tama, Maharlika.

Mag iingat ka. Wag na wag kang aalis sa paningin ko pag may mag table man sayo o wala. Halos ikaw lang ang tinitignan ng mga kalalakihan dito na para kang isang pulutan at hindi tayo pwedeng tumanggi kaya pwede? Wag ka nanamang mag. si C.r. ng di ko alam.

Di nya alam kung matatawa sha sa sinabi nito telepathically o ano dahil sa pagkakasabi nito sakanya ay may diin. Di kaya ay feeling boyfriend na talaga sha saakin? Natawa pa sha bahagya sa naisip pero napatigil ng lingunin sya nito at taliman ng tingin.

Don't think of silly things, Amethyst. Trabaho lang 'toh. At wag mong personalin. Besides, sabay tingin nito sakanya ng pasimple mula ulo hanggang paa, you're not my type. Sabay marahas nitong hatak sa kamay nya.

Naningkit ang mga mata ni Amethyst at tumaas ang kilay at dahil sa baka marinig nanaman nito ang iniisip nya ay sinara nya itong mabuti at nag make face kay Dhean na naka talikod at nauunang maglakad sakanya.

Kapal talaga ng pez nito. Bakit? Di naman ako pangit ah? Feeling naman nya . . . well . . .kahit na gwapo pa sha . . . at attractive . . . feeling naman ng damuhong toh type ko sha? Spell asa?! Hmmmp!

At sa pag iisip nya ay di nya napansin at nakabunggo nya ang isang lalaki at nahulog ang hawak nitong baso ng alak. Dahilan para mapa bitiw sha sa kamay ni Dhean.

"Sir, I'm sooo sorry. Pasensha na po," Hindi magkanda ugaga si Amethyst sa pag pupunas ng tissue sa dibdib ng di pa makitang lalaki na naka suot ng all black cape at malaking sumbrero na halos tumatakip sa buong mukha nito. Sakto namang napa daan si Janize na agad pinulot ang nagkalat na basag na baso ng lalaki.

"That's okay," hawak ng lalaki sa kamay niya dahilan para mapahinto si Amethyst sa pagpupunas at agad na mapa bitiw sa pagkakahawak sakanya ng lalaki at saglit pa shang napa angat ng tingin sa katangkaran nito.

"pa-pasensha napo, Lord Ismael," marahas at agad agad shang hinatak ni Janize papalayo sakanila. Naiwan itong sinusundan sila ng tingin habang may ngiti ito sa labi na hindi maiwasan lingunin ni Amethyst.

"Ano kaba! Bakit 'di ka nag iingat?!!!" Pasimple shang hinatak ni Janiz sa likod ng liquor station kasunod si Dhean kung san nandon ang mga baso at kung ano ano pang stock.

"H-huh? Bakit?" Naguguluhang si Amethyst na pilit pading sinisilip ang lalaking may nakaka pang akit na ngiti.

"Kanang kamay ni Senyora Ellah 'yun!" mabilis na dumampot ito ng mga tissue na naka patong sa lamesa at pinunasan ang kamay ni Amethyst na may natapong alak na pulang pula, "Izee, makinig ka," hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Yze dahil mukha namang di ito nakikinig dahil palinga linga ang ulo nito.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now