Chapter 21 - Vocalist

12 1 0
                                    

"Maharlika? ---" sinubukan nyang hulaan kung sino ang may hawak ng kamay nya.

"Bilisan mo nalang," it said coldly. For about 8-10 minutes magkahawak lang ang kamay nila hanggang sa maabot nila ang pinaka baba ng hagdan at dahan dahan pa shang inalalayan nito hanggang sa buksan nya ang pinto at nagulat pa sha na ang nilabasan nila ay ang bundok at gubat kung saan sila unang naka kita ng Unicorns at bahaghari.

Matapos nito ay binitawan na ang kamay nya.

Saglit pa silang naglakad at ng lingunin ni Amethyst ang pinanggalingan ay wala naman ng bakas nito. Nasan na Yung hagdan? Nasabi pa nito sa pagtataka.

"Saan tayo pupunta?" Malayo na si Dhean, magkakausap naman sila Ehmerald, Mitzy at Fransesca samantalang malalayo naman sina Daniella at Alonzo kaya walang ibang napagtanungan si Amethyst kundi si Marquee.

"Akina baka nabibigatan ka---"

"Okay lang ako don't worry. Basta maglakad ka nalang jan," ngiti nito na halos irapan nalang niya dahil naglabasan nanaman ang mga dimples nito at ayaw nyang makita dahil baka nanaman may maisip sha at marinig nanaman nito.

Napangiti lalo ng maluwag si Marquee habang naka yuko.

Hala hala halaaaa. Gawin mong blanko ang utak mo, blanko, blankoooo.

Siguro di na napigilan ni Marquee at natawa na talaga sha ng tuluyan.

"You can just close it if you want to," seryoso nitong sabi pero di padin nawawala ang ngiti.

"Pano?"

"Hawakan mo ang sintido ng ulo mo and say Saradhe to close it. Abre to open it. Come on try it," at ginawa nga nya ang sinabi nito.

"Read my mind,"

"Wow. I can't. Job well done," ngumiti pa ulit ito.

"Now read it," bahagyang tumahimik pa si Marquee para makinig.

Thank you.

Your welcome. Lalo pang nilakihan ni Marquee ang pagkakangiti at nangiti nadin si Amethyst.

"C'mon guys, nandito na tayo," hatak ni Ehmerald kay Mitzy at Amethyst.

"Ano? Saan?" Umikot ang mata ni Mitzy pero walang makita.

Linabas ni Ehmerald at Dhean ang wand nila, may binulong at inikot ikot and poof!

Lumabas bigla ang naka camouflage bilang mga dahon at ugat ng puno na isang kulay Lila na mini van.

"Woah. Di na yata ako masasanay sa magic," natutuwa si Mitzy at inikot pa ang sasakyan.

"Pero teka, pano tayo magkakasha jan?" Ngiwi ni Amethyst.

"You'll see," sabay ng naunang pumasok sina Dhean at nahuli si Mitzy at Amethyst.

"Wooooooow," halos sabay pa silang dalawa ng makapasok sa van. Sobrang laki ng space nito at ni hindi manlang nila alam kung paano nangyari yun.

Maraming pindutan ang bumungad sakanila pag pasok dito at nag umpisang magsi pindot si Dhean at Ehmerald sa magkabilang side ng mini van. May malaking sala set na may malaking lamesa din sa gitna sa bandang kanan ng van malapit sa driver's seat kung saan umupo sila Fransesca at iba pa. Sa kaliwa naman ay isang malaking space kung saan maraming pindutan at nandoon sina Ehmerald at Dhean at may maliit na pintuan doon.

"Feel free to roam around guys," si Ehmerald habang naka talikod sakanila.

Pag pasok nila sa maliit na pintuan na yon ay mahabang pasilyo pa pala na may tig dalawang pintuan. Sa magka bilang side naman ay isang malaking spasyo na puro salamin at hinala nila ay ang mini training room na kakasha ang apat ka tao.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now