CHAPTER 4

1.4K 29 0
                                    

Chapter 4

IT'S been a week when I last saw Lucifer Crest Faraday, after what happened in the library.  Isang linggo ko na siya'ng hindi nakikita pagkatapos niya akong halikan, isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam, at isang linggo ko na siyang iniisip. 

Oo iniisip ko siya! kase naman pag katapos ng nangyari hindi ko na siya nakita, nakakapagtaka lang kase. Tsk anong nakakapagtaka Nelly? It all happened in just one day, and here I am throwing tantrums here.

hayaan mo na nga iyon, kung ayaw magpakita ng isang tao isa lang ang ibig sabihin nun PATAY NA! OO MALAMANG PATAY NA YUN ABA NAKAHALIK LANG NAMAN SIYA NG ISANG DIYOSANG KATULAD KO.' 

Pero nasaan na kaya ang lalaking yun? nakakainis siya pagkatapos kunin ang first kiss ko bigla nalang na wala na parang bula! pero first kiss ko nga ba yun?  oo naman first kiss ko yun. I consider him as my first kiss, wala ng iba.

"NELLIE LUMABAS KA DIYAN" sigaw ni kuya Hope kasabay ng malakas nitong pagkatok. Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang malakas nitong katok at sigaw. the heck! may saltik nanaman ito. 

Hindi niya ba kayang katukin ako in a calm way? Lagi nalang silang nagdadabog at sumisigaw tuwing tinatawag ako.

"ANO?" sigaw na tanong ko. kainis kase  kung makasigaw kala mo yung tinatawag binge. Pinagbuksan ko narin ito ng pinto kaya bumungad sakin ang galit na galit nitong mukha. 

Aytt bakit galit to? aba wala naman akong ginawang masama ah? hala galit ba yung kuya ko dahil sobrang ganda ko? o baka naman binasted siya ni ate Mina kase ang ganda ko?

"Problema mong panget ka?" tanong ko bago pa ko mapraning kakaisip kung bakit beast mode 'to sa'kin. pero hindi ko talaga alam e. hayss ang hirap talagang maging maganda. 

"MAY BWISITA KA!" sigaw nanaman niya habang nakasulyap sa hagdan na animo'y may pinariringgan siya. 

Akala ko naman kung ano, may bwisita lang naman pala ako. wait kasasabi ko lang ba na may bwisita ako? ahh oo kakasabi ko nga lang pala. pero sino yun e wala namang sinabi sila jess at mikka na pupunta sila dito at wala rin kaming pinag-usapang aalis, so sino kaya iyon?

"Sino?" takang tanong ko kase diko talaga alam kung sino yun. 

"Bumaba ka para malaman mo kung SINO ang bisita mo" utos ni kuya Hope at in-emphasize pa ang salitang sino. 

Bumaba nalang ako para malaman kung sino ang dumalaw sa akin dahil mukhang walang balak sagutin ni kuya ang tanong ko. Papunta na ako sa sala ng pahintuin ako ni kuya. 

"Where are you going?" tanong nito. 

"To Dora's house....chariz, sa sala malamang." maagap na sagot ko sakanya na binigyan niya lang ng seriuosly look

"Saan ba?" medyo pikon ko nang tanong. 

"Dito..." at na-una na siyang maglakad papuntang main door. 

Hala... bakit sa main door? kawawa naman yung bisita ko hindi man lang nila pinapasok? pinaupo? pinainom? ang bad naman nila kuya ngayon.

Nang palapit na kami sa maindoor nakita ko si kuya Niall na may kausap na lalaki sa labas ng gate. 
diko makita yung kausap niya dahil nakatalikod ito sa amin at si kuya Niall naman ang nakapaharap saamin. parang tanga? bakit baliktad yung pwesto nila? hindi ba't dapat ang nakatalikod sa akin ay si kuya Niall dahil siya ang nakatira dito? parang si kuya tuloy ang bisita, hayaan na nga. Binilisan ko ng maglakad para makumpirma kung sino ang bumisita sa akin at laking gulat ko ng makita ko kung sino to. 

Bakit nandito siya? 

Paano niya nalaman ang bahay ko? 

Anong ginagawa niya rito?
 
Hala! anong sinabi niya kila kuya?
 
Waaaahh lagot na naman ako nito! 

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now