CHAPTER 5

1.2K 18 0
                                    

Chapter 5

KANINA ko pa tinatanong si Crest kung anong nangyari sakanya pero tinititigan lang ako nito at ibinabalik ang paningin sa daanan. 

Naiinis na ko kaya huminto ako at hinarap siya.

“SAN BA KASI GALING YAN HA? NAKAKAINIS KANA KANINA PA KO NAGTATANONG PERO KAHIT ISANG SALITA WALANG NILALABAS YANG MASARAP MONG LA- ESTE Y-YANG BIBIG MO! ” sigaw ko sa kanya dahil irita na talaga ako sa inaasal niya. 

Nakita ko naman itong nakangisi at nakahawak sa labi nito. Masiyado akong okupado sa kanyang reaksyon kaya naman hindi ko na napansin ang ibang estudyanteng nakamasid sa amin.

“So, sa loob ng isang linggo ay iniisip mo ang halik ko?” mayabang na tanong nito. 

Aba grabe ito ang laki ng ulo. diba siya nahihiya sa maganda kong mukha?. 

“Alam kong gwapo ako, hindi mo na ako kailangang titigan dahil sayong sayo naman ako. ” ani niya habang naglalakad palapit saakin. 

HALU ganon ba ko katagal nakatitig sa kanya? gosh nakakahiya. 

“Saan ba tayo pupunta Nellie? ” tanong nito habang nakahapit na sa baywang ko. 

Nagulat ako hindi dahil sa paghapit nito sa akin dahil inaasahan ko na ito dahil nga napaka-clingy at manyak niya pero ang kinagulat kong talaga ay ang pagbanggit nito sa pangalan ko. 

Panong hindi ako magugulat e hindi ko naman nabanggit dito ang pangalan ko. 

“P-pano mo nalaman ang pangalan ko? At isa pa, anong tayo? Ako lang ano!” takang tanong ko rito habang naglalakad. 

Dahil yakap niya ako kapag naglakad siya nasasama rin ako. 

“Really? sa tingin mo hahalikan kita kung hindi ko alam ang pangalan mo? anong tingin mo sakin cheap? Saka nabasa ko sa I.D mo, and I'll tail you wherever you go.” nakangusong saad nito, he even averted his eyes away from me.

Shit bat siya nakanguso? pag ako di makapagtimpi hahalikan ko talaga siya. 

“H-hindi naman sa ganon n-nagtaka lang ako at pwede hindi ka aso paea sumunod-sunod sa akin.” nauutal kong saad. 

Bat ba ko nauutal? e si Crest lang naman to at alam lang naman niya ang pangalan ko. 

Nang makarating na kami sa BM department agad akong huminto para sabihin kay Crest na dito nalang siya kaso hindi ulet siya pumayag. 

Ano ba naman yan, hindi ko man lang namalayan na nakarating na kami. Okupado naman kase ang utak ko sa pagtatalo namin.

“Sino ba iyang kakauspin mo at kailangan wala ako huh? ” medyo galit niyang tanong. galit? bakit galit to?. 

“Basta dito ka lang kase importante 'to.” sabi ko nalang at agad ng tumakbo. 

Sa di kalayuan ay nakita ko na si Arcle nakatalikod ito saakin kaya agad akong tumakbo palapit dito, ng malapit na ako agad ko siyang niyakap mula sa likod. 

Sebby bakit nandito ka? buti nakapasok ka? ” tanong ko rito. 

“Dito na ko mag-aaral, para makasama na kita " sweet na usal nito ng makaharap siya saakin. 

Dahil sa tuwa niyakap ko siya, niyakap ko siya ng napakahigpit at yakap na puno ng pagmamahal. I really fucking miss my bestfriend. 

Way back in junior high school we are always together, sa loob ng apat na taon ay hindi kami nagkahiwalay dahil lagi kaming magkaklase.

Nagulat ako ng may humila sa akin palayo kay Arcle at nilagay ako nito sa kanyang likod. 

“How dare you to hugged my girl?!” mariing na bungad ni Crest.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now