CHAPTER 8

964 17 0
                                    

Chapter 8

"ANG ganda ni Richie no?" Dinig kong usapan ng mga kababaihan sa corridor.

"Ang sexy talaga ni Richie "

"Ang perfect niya talaga "

"Bagay na bagay talaga si Richie at si Crest"

Ilan lang yan sa mga compliment na naririnig ko tungkol Kay Richie.

Tatlong araw na ang nakalipas ng makita ko si Crest at si Richie na nagmemake out sa parking lot post.

Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Crest.

Tatlong araw na hindi naririnig yung boses niyang malalim at aaminin kong hinahanap ko iyon. Hinahanap-hanap ko ang oras na kasama at kausap ko siya.

Higit sa lahat tatlong araw ko na siyang iniisip.

I honestly missing him.

HAYSSSS!! BAKIT KO BA SIYA NAMIMISS E. WALA LANG NAMAN AKO SA KANYA.

Biglang kumirot ang puso ko dahil sa naisip ko.

Ilang linggo rin kaming laging magkasama.

Ilang linggo rin kaming sweet, yung tipong nagagawa na namin yung ginagawa ng mga taong more than friends.

Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung anong meron sa amin.

Tsk... Obviously Nellie walang correlation between Crest and I because there's Richie.

"Are you okay?" tanong ni Eudoxus na nagpabalik sa aking huwisiyo.

"Yeah? I guess!" tugon ko sa malungkot na boses.

Eudoxus is a good friend to me. Sa loob ng ilang araw agad ko siyang nakapalagayan ng loob.

Kilala narin siya nila kuya Niall at Hope dahil napunta na siya sa bahay with Jess and Mikka.

I was shock ng malaman kong kakilala niya ang mga kuya ko. Nung highschool daw siya ay naging intern teacher niya si kuya Niall at naging close niya ito.

Nakilala naman niya si kuya Hope dahil sa naging mag kaklase sila sa hiphop dance school.

Nakakatuwa dahil sobrang close siya sa kuya ko yung tipong para siya yung mas kapatid kesa sa akin.

"Bebs tatlong araw ka nang tulaley, at tatlong araw mo na rin yang sagot." mataray na anunsiyo ni mikka habang nakayakap sa bag ni Eudoxus.

Kawawa talaga itong si Eudoxus kay bigat bigat na nga ng bag may nakapasan pang baboy.

"I'm really okay Mikka..." sagot ko at naglakad na ng mabilis.

"Well okay na daw siya, kaya ikaw Eudoxus umorder kana at ilibre kami." masayang sabat ni Jessa habang Paupo kami sa upuan dito sa cafeteria.

MGA TAONG NABUHAY SA LIBRE!!

TSK...

TSK.....

Habang naghihintay kay Eudoxus ay may babaeng huminto sa harap ko. Tinignan ko ito at nalaman kong ito ay si Richie. Anong ginagawa niya rito sa harap ko?

"You are Nellie, right? Well, I'm always right." she bitchy ask and roll her eyes.

"Ano naman kung siya si Nellie?" mataray na tanong ni mikka. oh, lagot na si queen bipolar nagtataray.

"Ahhh.. Oo ako nga . bakit, anong kailangan mo?" tanong ko bago pa magkaroon ng world war 3 dahil nafefeel ko na ang atmosphere between Mikka and Richie.

"Wala akong kailangan sayo, ikaw ang may kailangan sa akin." ani niya at tumalikod na.

Naguluhan ako sa sinabi niya dahil wala akong kailangan sa kanya.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now