CHAPTER 24

787 14 0
                                    


Chapter 24







"Nellie!"





"Jusko maryosep..."





"Nellie!"







"Hija!"
















"Nellie, anak gising na..."








































"NELLIE, Jusko hija gumising ka na ang haba-haba na ng itinulog mo." Mahinang bulalas ng ginang ang nagpagising sa mahimbing kong pagkakatulog.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ipinalibot ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang magarang kotse. Napabalikwas ako at nilingon ang ginang sa aking gilid.

"Susmaryosep! Nagulo na ang hair dress mo hija. Jusko pati ang fake eye lashes mo ay nasira na. Pambihira ka naman Nellie kinse minutos lang ang byahe patungo sa lugar ng iyong kasal nagawa mo pang matulog ng mahimbing. . . Tatlong minuto na lang at kailangan mo ng pumasok sa complex at ito pa nagulo na ang make-up mo kailangan mo pa tuloy mag retouch." Natatarantang bulyaw sa akin ni Mommy Lily.

Nanatili naman akong nakatitig sa ginang at paminsan-minsan ay iniikot ang paningin sa paligid sa labas ng kotse.

This is the reality right?

Or this is just my imagination so I'll believe that everything I've been through is just a dream?

What is happening to me?

I'm still wondering in this car while looking at the complex outside of were I am right now.

"Hija? Are you okay? I'll call Jess so she can arrange you. You mess your make-up hija." Lumabas ang ginang sa kotse at naiwan akong tulala parin.

Ibig bang sabihin non ay panaginip lang ang lahat? Ang aksidente, ang comatose, ang pag-agaw ni Richie sa akin sa mag-aama ko. Panaginip lang ang lahat?

"Nellie what's wrong? I already finish retouching your face. Hey," Jess said then she snap.

Para akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog kaya bumalik ang aking huwisyo.

"Huy ayos ka lang ba? Ngayon mo lang ba na-realize na ayaw mo ng pasakal este pakasal kay Crest?" Nag-aalalang tanong nito.

"Asan ba ako?" Nagtatakang tanong ko na binalewala ang kanyang sinabi.

Hindi pa rumirehistro sa utak ko ang mga nangyayare. The last memory I have is, I was hit by a car after I left my family with Richie and now this?

Is this real?

"Hey, Nellie what are you talking about? Ngayon mo ba talaga balak mag back out sa kasal na 'to?" Nanlalaking mata ni Jess.

"W-what?" Naguguluhang tanong ko na sinundan ng mahinang sampal ng kaibigan ko.

"You're lost. what happened? Late ka na ng five minutes baka kabahan na si Crest sa loob ng simbahan dahil sa tagal mo." Anas ni Jess na nagpabalik sa nawawala kong ulirat.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at lumakad papunta sa malaking pintuan ng complex. Nakaalalay sa akin si Jess upang hindi ako matumba sa pagmamadaling paglalakad na ginagawa ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ulet ng kaibigan ko na hindi ko na naman nasagot.

I don't have the power to speak right now I'm still digesting everything, I still seperating this reality to that dream I have been.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now