CHAPTER 19

895 12 0
                                    

Chapter 19

MATAPOS ang naganap sa gabing iyon ay iniwan ko si Crest sa guestroom ng magising ako ng madaling araw.

Mabilis ang naging kilos ko ng oras na iyon. If he think that ganoon lang kadali ang lahat para mapatawad ko siya nagkakamali siya.

Pumunta ako sa kwarto ko at nakita ang kambal na mahimbing na natutulog. Hindi ko muna sila nilapitan at nag-empake muna ng kanilang mga damit.

Dadalhin ko sila sa bahay ni Jd at nang asawa niya. Habang binibigyan ko ng leksyon ang kanilang ama mas mabuting nandoon nalang ang kambal para hindi nila makita ang kanilang Daddy. Baka mabulilyaso lang ang plano ko kung nandito sila.

Alas singko ng umaga ng gisingin ko ang kambal. Pinaliguan ko sila at pinakain ng almusal. Matapos iyon ay sinakay ko sila sa kotse ni kuya Niall at pinaandar ko na iyon patungo sa bahay ni Jd.

"Hello Nellie, kanina ko pa hinihintay ang kambal." Magiliw na bungad sa akin ni Anita, ang buntis na asawa ni Joles.

"Sorry, alam ko namang excited ka. Dapat talaga kahapon pa sila kaya lang napagod sa dami ng laro nila kaya nakatulog. Nawalan na ako ng lakas na gisingin sila ng gumabi na dahil ang sasarap ng tulog."

"Ayos lang iyon, sige na ilapag mo na ang mga bag nila sa sofa."

Sabay kaming nagtungo sa sala, nandon na ang kambal at si Joles. Mabilis na umangat ang mata ni Joles at tumitig sa asawa niyang hindi man lang siya binalingan ng tingin.

Dahil komportable na ang kambal ay naggayak na ako para umalis. One week silang hinihiram ni Anita. Nung una ayun lang ang dahilan ko para ibigay ang kambal ngayon ay nadagdagan na. Kukunin ko nalang sila kapag tapos na ako sa daddy nila.

"Nasaan ka at ang kambal?" Bungad na tanong ni kuya Hope sa akin ng sagutin ko ang tawag niya sa telepono.

"Pauwi na ako." Maikling sagot ko at pinatay na ang tawag.









Takang tumingin ako sa main door ng aming bahay. Pagka-baba ko kase sa kotse ay bumungad sa aking pandinig ang isang boses na pamilyar sa akin na nagwawala sa loob.

"Bullshit!"

"Nasaan!?"

"Tangina, ilabas niyo si N-nellie!"

Mabilis akong naglakad papunta sa loob at sumalubong sa akin ang nagkalat na sala at si Crest na nagwawala. Inaawat siya nila kuya pero hindi siya nagpapaawat!

Galit na galit siya, maliban doon bakas din sa mukha nito ang pag-iyak.

"Fuck it Faraday, magtino ka nga!" Suway ni kuya Niall na hindi nito pinansin.

"Anong nangyayari dito?" Noon ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong at ipaalam ang presensya ko.

Agad na natuon sa akin ang kanilang mga atensyon. Si Crest naman ay napahikbi pa ng magtama ang tingin namin bago malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. Walang salita niya akong niyakap at muling umiyak sa aking balikat.

"I was scared, I thought you left me again babe." Hinaing nito.

Saglit na nagwala ang puso ko dahil sa ginawa at sinabi nito pero pinilit kong patatagin ang aking dibdib at walang emosyong bumaling sa kanya.

Tinulak ko siya palayo sa akin para makita niyang walang epekto ang kanyang ginawa. Takang tumingin ito sa akin at nangatog ang mga labi.

"What happened last night was nothing Crest. If you're already sane you can leave our house." Matapang kong hayag.

Napanganga naman ito at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Akala ko ay maayos na tayo?" Nanginginig ang kamay na tanong nito, sinubukan niya pa akong hawakan sa aking pulso pero winaksi ko iyon at masama siyang tinignan.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt