CHAPTER 14

910 12 1
                                    

Chapter 14

NELLIE's P.O.V

ISANG LINGGO na simula ng makalabas ako ng hospital. Hindi na din ako kumonsulta sa psychiatrist kase parang ang O.A naman kung sa simpleng nangyari sa akin ay mag papatingin pa ako. So no more question for that ang tanong lang ay ano ba talaga ang meron sa mga iniisip ko noong oras bago ako nawalan ng malay?

Erase that thing ang importante I am fine.

And by the way isang linggo ko ng di nakikita si Lucifer, I'll call him Lucifer kase bad siya ngayon. pitong araw at gabi ko na siyang di nararamdam. Kabwiset . . .

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame as if in a snap biglang darating yung taong isang linggo ko nang di nakikita. I miss him....
I really miss him... But I guess we didn't feel the same.

Napag-isipan kong pumunta ng teresa at laking gulat ko ng makita ko sa tapat ng gate namin ang isang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko dito sa pamamahay ko. Bakit magkausap sila ni Joles Dimity? May koneksyon ba sila sa isa't-isa?

Dahil na curious ako bumaba ako at pinuntahan sila sa labas. Nang makalapit ako saka ko lang napagtanto na may pagkahawig sila? Omg para lang silang opposite! Kung titignan mo ng mabuti parang ginawang babae lang si JD pag makita mo si Richie. Yes si Richie nga... At kapag tinignan mo naman si JD parang ginawa lang na lalaki si Richie. What is the meaning of this, magkapatid ba sila??

"Excuse me.... Earth to Nellie." a snap wake me up. Its JD.

"Yes?" I ask.

"Naguusap kami. Pwede ka ng umalis, ano tsismosa kq na ngayon?" JD tease.

Ay ang kapal ng mukha!!

"Uh, I'm so sorry. I didn't saw you." I smirk at nilampasan na sila.

Mukhang pupunta nalang ako sa park.
Dinala nga ako ng mga paa ko sa park dito sa village namin. napakasarap ng hangin ang sarap sa pandinig ang mga tawa at harutan ng mga bata. A sad smile curved in my lips. I miss my parents kung buhay pa sila for sure lagi rin kami dito sa park. But they're already gone.

Bago pa tumulo ang mga luhng nag-a-ambang bumagsak ay inagapan ko na ito at umalis nalang sa park. Naiiyak lang kase ako.

Malapit na ako sa bahay namin ng makita ko ang Ferrari ni Crest hindi ako pwedeng magkamali kase lahat ng kotse niya alam ko mapakulay man o plate number. Buti naman at nagpakita na ang ungas na ito nako makakatikim na talaga siya akin.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero ganon din ang pagbagal nito ng makita ko siyang lumabas sa gate namin at nakayakap ang isang kamay sa beywang ni richie. Naglalakad sila papunta sa kotse nito.

Agad akong nagtago sa malaking puno at tinitigan lang sila. Binuksan ni Crest ang passenger side at bago pa pumasok si Richie hinalikan muna niya si Crest sa labi nito na ginantihan naman ng gago.

Tangina nila magpapakita lang sila sakin para dito? Para masaktan ako?

Hinintay kong makaalis ang mga hunghang bago lumabas sa puno na pinagtataguan ko.

Saka ko lang namalayan na may mainit na palang likidong umaagos sa pisngi ko.

Shit..

I-im okay... M-my mind is okay.... M-my soul is very okay..... B-but... But my heart is not fucking okay, its not fucking okay!

Mga gago sila!

Sa loob ba ng isang linggo ganon ang ginagawa niya?! T-tangina niya.

"I don't understand, why? Why is it happening? Ano na naman ang problema?" I whisper to my self. "c-can someone explain w-what is happening?"

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now