CHAPTER 16

927 15 0
                                    

Chapter 16

"IT'S been a long time.” anito at unti unting lumapit sa akin.

Nakatayo lang ako at pinakatitigan ang lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan. Yeah, its been a long time pero bakit nagwawala pa din ang puso ko?! Bakit nagwawala ang sistema ko?

“I wish for it to happen for a long time.” malamyos na bulong niya at ng makalapit na siya sa akin ay hinaplos niya ang pisngi ko.

I'm standing stilled. Di ako makagalaw. Damn this feeling bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Akala ko ay maayos na ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

“I missed you, my Nellie” sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Fuck myself bakit hindi ko siya matulak?

“E-excuse me, papasok na ako s-sa loob.” sa wakas ay may lumabas din sa bibig ko. Tinabig ko ang kamay niyang humahaplos sa akin at nilampasan siya.

Malapit na ako sa gate ng higitin nito ang braso ko at ipaharap sa kanya.

My goodness anim na taon na ang lumipas pero mahilig parin itong manghila ng braso. Hindi man lang ba siya nagbago?

“M-may asawa ka na ba? B-boyfriend?” bakit sya nauutal? Bakit nakikita ko sa mata niya ang sakit? Nasasaktan siya? Para saan?

Ankng kahibangan ang pumasok sa utak niya para magtanong nang ganoon ka personal na bagay?

“Huh? Anong pinagsasabi mo?” I managed to say those word. Nanghihina kase ako Sa paraan ng pagtitig niya.

“You said I love you too in the phone. May boyfriend ka na ba?” tanong nito sa akin.

So? Anong pakealam niyo kung meron nga, ano naman sa kanya kung ganoon nga? Hindi ko alam bakit nasa ganito kaming sitwasyon. Siya ang umayaw, siya ang nakipaghiwalay, siya ang hindi nagmamahal kaya bakit kailangan niyang magtanong ng ganitong bagay?

I was about to answer when someone spoke behind in this man... who doesn't deserve to voice out his name.

“Yes may boyfriend na siya, kaya pwede mo nang bitawan ang braso ng girlfriend ko.” untag ni JD at unti unting lumapit sa akin at hinapit ang aking baywang.

Nakita ko naman sa mga mata ng lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan ang sakit, Why he's acting like he is hurt? Like he missed me, like he regret what he did in the past? Nasan ba si Richie? Yun naman ang mahal niya diba? Buti nalang at nandito si JD.

“You two are?” hindi makapaniwalang nakatingin ito sa kamay ni JD na nakapalibot sa bewang ko.

“Yes, So you better back off Crest. Hindi siya bumalik dito para sayo.” ani JD at iginaya ako patalikod sa lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan.

“I still lov~” hindi ko na narinig ang sinabi ng lalaking Kimas na iyon dahil nakalayo na kami ni JD.

“You're mean Joles, I hate liar remember?” sabi ko ng nakanguso.

Simula kase nung break up namin ng lalaking hindi karapat dapat banggitin ang pangalan ay ayoko na sa mga sinungaling. Kinindatan lang ako nito at hinalikan ako sa pisngi yung napakalapit sa labi kaya kung nasa malayo ka ay iisipin mong sa lips niya ako kiniss.

“By the way, bukas ng hapon susunduin ko ang kambal sa airport, sama ka??” tanong ko ng makaupo na kami. May mga server naman ng pagkain kaya maghihintay nalang kami.

“Of course sasama ako. Hindi naman pwedeng wala ang daddy nila diba?” he said and wiggled his eyebrows.

“Such an assuming man” I laugh.

Consequences Of Loving You - COMPLETED Where stories live. Discover now