Chapter 4

12.1K 439 3
                                    

* Zeke POV *

Nakay Hugo ang paningin ko at hinihintay ang sagot niya. Pero bago pa siya, makasagot. May biglang nagsalita para mapatingin ako sa kanya.

" Tapos na ba kayo? " tanong nong babaeng binubully nila Hugo. At saka dahan-dahan itong tumayo.

" What did you say? "  gulat kung tanong sa kanya.

Umayos naman ito ng tayo, at saka humarap sa akin at sinalubong yung tingin ko sa kanya. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin kung parang pamilyar sa akin ang mga mata niya. Parang nakita ko na ito dati at hindi ko lang matandaan kung saan.

" Ang sabi ko.. tapos na ba kayo? Kung hindi pa, pwede pa akong magstay dito. Pero kung oo! Pwede na ba akong umalis? "  sabi nito.

Mas lalo naman kumunot ang noo ko sa inaasta niya ngayon sa harapan ko. Parang hindi man lang ito natakot sa paraan ng pagkatitig ko sa kanya. At parang balewala lang sa kanya, kung titigan ko siya ng masama?

" Hoy! Babae. Tumahi-. " 

" You shut-up! Dahil hindi ikaw ang kinakausap ko. biglang sigaw nito, dahilan para mapatigil ako. Parang hindi man lang ito nakaramdam ng takot kay Hugo. Saka siya tumingin ulit sa akin

" Ano nah! Magtitinginan nalang ba tayo dito? " medyo maangas nitong pagtanong sa akin.

Nang hindi ako makasapagsalita, dala narin sa pag-iisip kung sino itong babae na nasa harapan ko ngayon? Bigla niya nalang ako tinalikuran at lumabas ng cafeteria na parang wala lang nangyari. Parang wala lang sa kanya yung pinagagawa ng mga schoolmate namin  sa kanya. Mukhang hindi man lang ito naapektuhan sa nangyari sa kanya.

Humarap ako ulit kay Hugo na nakatingin din sa akin. Saka lumapit sa kanya, dahilan para mapaatras siya.

" Sino yun? "  tanong ko sa kanya.

" At kailan pa nagkainteres sa isang bagay ang isang, Sandoval? "  nakangisi  nitong sabi sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng masama at marahas na hinablot ang kwelyo niya. Dahilan para masakal siya sa higpit ng pagkakahawak ko dito.

Pabibigyan kita ngayon, Hugo. Pero sa susunod na magtanong ako sayo. At hindi mo ako sagutin ng maayos? Alam mo na ang mangyayari sayo. " malamig kung sabi sa kanya at marahas siyang binitawan.

Umalis na ako don dahil baka kung ano pa ang magawa ko kay Hugo. Kilala si Hugo na isa sa mga bully dito at isa sa mga kinakatakutan na estudyante dito. Lahat ng estudyante dito ay natatakot sa kanya, dahil iba siyang mambully ng tao. Yung talagang kaya ka niyang patayin sa ginagawa niya. Pero except sa amin ni Oscar. Dahil kung siya kinakatakutan? Kami naman ang hari dito sa school na ito. Kinakatakutan din kami ng mga estudyante dito at walang may gustong bumangga sa amin. Dahil natatakot sila na may magawa kami sa kanila. Maliban nalang kay Hugo na talagang binabangga kami at wala itong pakialam kung may magawa kami sa kanya na hindi ito magugustuhan. Si Hugo yung estudyanteng, kahit walang may kasalanan sa kanya ang schoolmate niya. Sinasaktan niya parin ito. Katulad nalang doon sa babae kanina.

" Oscar. "  pagtawag ko sa kaibigan ko.

" Yes! "  sabi naman nito.

" I want you to get the information about that girl. "  pag-utos ko sa kanya, saka sinara yung pinto ng sasakyan ko ng makarating kami sa parking lot saka umalis.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now