Chapter 10

11.1K 373 7
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas na nakalaban namin sina Hugo at matalo sila sa basketball. Nabalitaan pa mga namin na  nasa hospital sila ng mga kaibigan niya para magpagaling. Kaya ilang linggo ko rin silang hindi nakikita sa school. Ang mga O.O.A kasi ng mga non e.. kunti lang ang  bugbog at pagkabali lang naman ang ginawa namin sa kanila. Kaya bakit kailangan pang magpahospital? Si Sam nga na sinugatan pa nila hindi na napatingin sa Doctor. Pero sila? Talagang ang O.A nila.

" Ouch! " rinig kung sabi ng isang maarteng boses.

Napahawak naman ako sa balikat ko dahil talagang nasaktan ako dulot ng pagkakabangga ko sa kung sino mang taong yun.

" Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo? " maarteng sigaw nito.

Napaangat naman ako ng tingin at doon bumungad sa akin ang isang babae na mukha palang halatang maarte na at maldita. Hindi naman mapapakailan na isa rin siyang mayaman dahil sa ayos at porma niya .

" Matutula kana lang ba sa ganda ko? Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry sa akin? " inis nitong sabi habang nakatingin sa akin.

So! Sya pala yung bumangga sa akin. At talagang sinabi niya pang natutula ako sa ganda niya? Hiyang-hiya naman ako sa beauty niya.

" What! Pipi kaba at ng hindi ka makapagsalita? " sabi pa nito sa akin na halatang inis na inis.

" Bea, diba siya yung binully nila, Hugo nong isang araw. Yung basahan ang suot? " rinig kung sabi ng kasama niya.

At talagang pinaalala niya pa sa akin ang ginawa nila. Nakamove on na nga ako don, sila hindi pa? Tiningnan naman ako mula ulo hanggang pa nong Bea yata ang pangalan. Saka ako tinaasan ng kilay.

" Ikaw pala ang transferee dito. Bakit hindi na yata basahan yang suot mo? " nakangisi nitong tanong sa akin.

" Narealize ko kasi na ang panget pala ng mga ugali ng mga tao dito.. kaya nagsuot ako ng magandang damit. At kahit naman magsuot ako ng basahan? Alam kung mas MAGANDA pa rin ako! " nakangising sabi ko sa kanya at saka umalis sa harapan nila.

Mga tanga lang. Akala nila magpapatalo ako sa kanila? Huwag nila akong maliitin. Dahil baka sila ang kawawa sa huli. Kung sa probinsya hindi ako nagpapaapi. Dito pa kaya?

Dumiretso ako sa may cafeteria para bumili ng pagkain. Kaninang umaga pa kasi ako hindi kumakain. Walangjo kasi yung si Kuya Red, pinapadali ba naman ako kanina? Nagmamadali kasi sya dahil marami pa daw syang gagawin sa company. Ako naman itong nakikisakay lang sa kanya, walang magawa kundi magmadali rin. Hindi tuloy ako nakakain kanina. Sayang naman din kasi ang pamasahe kung magcommute ako.

Pagkarating ko sa may cafeteria. Agad akong umorder ng pagkain. Pagkatapos kung umorder, umupo ako sa pinakadulo ng cafeteria. Yun lang kasi ang bakante at madalang na tinatambayan ng mga taga rito. Ng makaupo na ako saka na ako nagsimula kumain. Hindi pa man ako nakakalahati sa pagkain ko ng biglang may bumuhos sa aking isang likido na sobrang baho ang amoy. Sa pagkakaalam ko, panes na egg white ang ibinuhos sa akin na matagal ng hindi tinapon.

Narinig ko pa yung tawanan nila na mas lalong nagpapainit ng ulo ko. Shit! Hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.

" Eww...Ang baho niya? "

" Ganyan ba ang mga Pronbinsyana.. hindi naliligo " sabi nong isa sabay tawa nito.

Napatingin naman ako sa kinakain ko. Hindi na ito makakain dahil nalagyan din ito ng egg white.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now