Chapter 28

9K 344 22
                                    

Nagising ako ng marinig ko ang pagbagsak ng malakas na ulan at ang paghinto ng sasakyan namin.

" What happened? " tanong ko sa kanila.

" Mukhang hindi na kaya ng sasakyan natin na makapasok sa inyo. Malakas ang ulan at sobrang dilim pa ng dinadaanan natin. Baka makabangga tayo kapag pinilit pa nating makapasok. " sabi ni Oscar na siyang nagmamaneho ngayon.

" Mas mabuti pang hintayin nalang natin na tumigil ang ulan. " sang-ayon naman ni Hanz.

Napatingin ako sa dinadaanan namin. Malakas nga ang ulan at sobrang dilim ng daan, kaya may posibleng madisgrasya kami o di kaya may makabangga kami.

Ang bagal kasing kumilos nong bagong mayor namin.. matagal na kaming nagrerequest na palagyan ng ilaw ang bawat kanto sa daan, para maliwanag sa mga taong nagmamaneho tuwing gabi. Pero hanggang ngayon.. hindi parin sila gumawa ng aksyon. Kaya ang sarap patalsikin ng bagong mayor namin.

Umayos ako ng upo na ikinatingin sa akin ni Sandoval.

" Dont you dare to do that. " sabi nito na mukhang alam na nito kung ano ang gagawin ko.

Ngumisi lang ako sa kanya na ikinabuntong hininga niya nalang.

Lumapit ako kay Oscar na nasa driver set saka tinapik ang balikat niya.

" Tabi dyan. Ako na ang magmamaneho. " sabi ko sa kanya.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin, pero sa huli lumipat din siya sa kabilang upuan na katabi lang ng driver set. At sa paglipat ni Oscar ay siyang pag-upo ko sa passenger set. Pero hindi ko pa man nastart ang makina ng pareho kaming mapatingin kay Sandoval na nasa likod na namin.

" You sit at the back. " sabi nito kay Oscar.

Napakamot nalang sa ulo si Oscar saka lumipat sa likod.

" Mahirap talaga kapag may kasama kang lovebirds. Hindi mapapahiwalay. " reklamo nito.

Napatawa nalang ako at sinimulang minaneho yung sasakyan pagkaupo ni Sandoval. Walang problema sa akin kung umuulan at madilim ang lugar. Dahil ginagawa ko na ito noon kapag gabi na ako makauwi sa amin at maabutan ako ng ulan. Kaya sanay na sanay na ako sa daan namin. At sanay narin akong makakita kahit madilim.

Nakarating kami sa bahay namin na medyo pahina na yung ulan. Kaya kailangan ko pang tumawag ka Tatay na sunduin kami sa labas ng bahay gamit ang payong para hindi kami masyadong mabasa. Pero ng tumawag ako sa kanya ay talagang nagulat siya. Hindi kasi nila alam na uuwi ako ngayon. Sina Sam at Nuel lang ang nakakaalam at ang mga loko, hindi rin sinabi kay Tatay. Kaya tiyak na pagagalitan na naman ako nito.

Nang nasa loob na kaming lahat ng bahay, maging yung mga dala naming gamit. Pinagbihis ko muna silang apat, habang ako ay kaharap ngayon si Tatay na masama ang tingin sa akin.

" Ano na namang kalukohan ang pumasok sa isip mo at umuwi ka ng hindi man lang tumatawag sa amin, Kristel Cane? " galit na tanong sa akin ni Tatay.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Ito talaga si Tatay, walang pinipiling oras na pagalitan ako.

" Tay, pwede pong pakainin niyo muna kami? Kanina pa kasi ako nagugutom. " sabi ko sa kanya.

Napaaray ako ng bigla ako nitong batukan sa ulo.

" Itay naman! Ang sakit ha.. hindi niyo man lang ba namiss ang maganda niyong anak? " reklamo ko sa kanya.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now