Chapter 46

9.1K 319 7
                                    

Pagkatapos naming mag-impake ng gamit ni Sandoval. Nagpaalam na kami kay Kuya Red na pupunta kami sa probinsya para ipaalam kina Papa ang pagbubuntis ko. At isa pa, para narin mabisita ko ang mga kaibigan ko doon. At kasama din namin sina Oscar, Hans at Geo sa pagpunta sa probinsya.. malamig daw kasi yung lugar namin... Kaya masarap puntahan... Idagdag muna si Emy na kasama din namin sa pagpunta sa probinsya, matagal-tagal din kasi siyang hindi nakapunta doon simula nong pumalit siya sa pwesto ko pansamantala. Kaya ang byahe namin ay talagang sobrang ingay. Yung mga kasama ko kasi, walang tigil sa kadada.

" Hindi pa ba kayo napagod sa kadada? Ilang oras ng bumubuka yung bibig niyo ha. " inis na sabi ko sa kanila.

Napatigil naman silang lahat at napatingin sa akin. Tiningnan lang ako nila sandali, saka bumalik ulit sa kwentohan nila na para bang hindi ako narinig? Kaya uminit yung ulo ko, idagdag mo ng tumawa pa itong katabi ko. Tiningnan ko naman siya ng masama dahilan para tumahimi siya.

" Sorry babe.. ang cute mo kasi. " sabi nito saka yumakap sa bewang ko.

Sinisiko ko siya para bumitaw sa akin. Pero ayaw talagang kumawala sa akin ang gago niya, kaya hinayaan ko lang. Pero ng talagang nairita na ako sa boses nila.. mabilisan kung kinuha ang baril na nasa may gilid ni Zeke at saka ito itinaas.

" Tatahimik kayo o itong bala ng baril ang tatama sa ulo niyo? " malamig na sabi ko sa kanila.

Dahan-dahan naman silang lumingon sa akin at ng makita nila yung hawak ko? Sabay naman silang namutla lahat, kahit na si Oscar na siya nagdadrive ng van namin. Isang sasakyan lang kasi ang ginamit namin ngayon, tulad ng dating pagpunta namin dito. At kahit na si Zeke ay parang natigilan din sa ginawa ko.

" B-babe, give it back to me. Baka madisgrasya pa tayo nyan. " sabi ni Zeke sa akin, at pilit na kinukuha sa aking yung baril na nilalayo ko naman sa kanya.

" I-insan, ibalik mo na yan kay Zeke... Promise tatahimik na kami. " sabi sa akin ni Emy na nakataas pa ang dalawang kamay niya.

" Oo nga, KC. Baka mapahamak tayo nyan sa ginagawa mo. " sabi naman ni Geo na kita yung takot sa mga mata nila.

Sinamaan ko naman sila ng tingin lahat, saka ibinigay ko kay Zeke yung baril na hawak ko na agad niya namang kinuha sa akin. Kunot noo naman siyang napatingin sa akin matapos niyang tingnan yung lagayan ng bala ng baril... Ngumisi lang sa ako sa kanya saka ibinigay yung bala ng baril na inalis ko kanina.

" Your crazy. " sabi nito sa akin saka ako hinalikan sa noo.

Wala naman talaga akong intensyon na barilin sila. Talagang tinatakot ko lang talaga sila.. nakakairita na kasi yung boses nila. Ikaw ba namang ilang oras mo silang kasama sa byahe. Tapos panay yung boses lang nila ang maririnig ko na walang tigil sa kadada... Hindi ka ba non maiireta?

Nakarating kami sa probinsya ng hindi sila nag-iingay. Kaya naging maganda ang tulog ko buong byahe namin. Takot lang sila sa akin noh.

Bumaba na kaming lahat ng sasakyan pagkarating namin sa tapat ng bahay namin. Pagkapasok namin sa bahay, naabutan namin si Nanay na nanunuod ng TV sa may salla.. dahilan para magulat siya ng makita niya kami.

" Kristel! " gulat na sabi nito saka napatingin sa mga kasama ko.

Lumapit ako sa kanya para magmano at ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.

" Emy? " sabi ni Nanay ng makita niya ito sa harapan niya.

" Hi! Nay, long time no see... Parang mas lalo ka yatang bumabata ngayon, Nay. " pagbibiro sa kanya ni Emy.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now